Sa pinatay na executive producer ng isang show sa ABS-CBN walang nakitang signs of struggle o panlalaban sa kanyang tahanan. Wala ring bakas na pwersahang pumasok ang sinuman. Ibig sabihin, ang kanyang killer ay kasama niyang pumasok, o kusa niyang pinapasok sa kanyang bahay. More or less, kilala niya ang kanyang killer.
Pero ilan na nga ba yan? May nangyari pa ba sa pagkakapaslang sa musician na si Tadao Hayashi matapos na sabihing ang suspetsa nila ay lover noon ang pumatay sa kanya?
May nangyari pa ba sa kaso ng writer na si Eli Formaran na pinagsasaksak at tinangka pang sunugin ng kanyang killer? Ano na ang kinahinatnan ng pagkakapaslang sa show host na si Kuya Ompang na tinadtad din ng mahigit na 40 saksak sa loob mismo ng kanyang bahay?
Na-solve pa ba kung sino ang pumatay sa dating movie magazine publisher na si Rene Tiosejo, o kung sino ang bumaril sa talent manager na si Rey dela Cruz, sa mga krimeng nangyari pa noong dekada 80?
Dito sa atin, mukhang hinahayaan na lang kung mapatay man ang mga bading. Marami na ang ganyang kaso sa showbusiness, pero lahat ay wala pang solusyon.
Kunsabagay, hanggang ngayon nga may nangyari na ba sa kaso ni Nida Blanca, na matapos pagbintangan ang asawa, pati ang alalay ay pilit na pinaaming may kinalaman sa pagkakapaslang sa kanya?
Isa pa, kaya siya excited sa kanyang album ay dahil pati nga ang mga foreign singers na nakarinig sa kanyang mga kanta ay naging interesado roon. Bukod diyan, alam ba ninyong may offer na mag-recording sa abroad si Aryana? Ed De Leon