PBB Teen mommy, namimili na ng role!
November 17, 2006 | 12:00am
Malaking kita at conflict sa schedule ang dahilan kung bakit hindi nakasama si Pinoy Big Brother Teen mommy Jamilla Obispo sa Pasko Na, Santa Ko episode ng Love Spell na mapapanood na sa November 26 hanggang December 31.
Nagtataka ang entertainment press na dumalo sa press launch ng LS kung bakit wala si Jamilla gayung alam nilang nag-cast pictorial na ito.
Ang katwiran ng program unit manager ng Love Spell na si Nini Matilac, "May personal po siyang commitment."
Ganun ka-simple ang pagtatakip ng bossing kay Jamilla na taliwas naman sa nalaman namin na ang tunay na dahilan daw ay hindi feel ng dalagang ina ang kanyang role bilang maid na inaapi ni Aiai delas Alas bukod pa sa ilang eksena lang siya sa anim na linggong episode ng LS. Say pa ng aming source sa Dos, "Nag-inarte na kaagad si Jamilla, namimili na ng role, ayaw ng atsay, gusto yata bida siya agad."
At nang alamin namin sa teen mommy ang dahilan niya, "Sabit po sa schedules, may out-of-town show po ako nung araw mismo ng taping ng LS, e, nagpa-pull out po ako kasi mas malaki ang kikitain ko sa out-of-town. Naintindihan naman po nila ako. Di bale po next time, hindi na ako tatanggi, nataon lang po talaga."
Puring-puri ni Aiai delas Alas ang mga batang artista ng ABS-CBN Star Magic dahil magagalang daw sa mga nakatatandang artista.
Lalo na ang mga kasama niya sa Pasko Na, Santa Ko ng Love Spell headed by Matt Evans, Olyn Maimban, Kim Chiu, Gerald Anderson, Joaqui Mendoza, Mikki Arceo, Mikee Lee, Fred Payawal, Brenda Fox maliban kay Aldred Gatchalian kasi hindi pa sila nagkakaroon ng eksenang dalawa.
Kaya naman hindi naiwasang tanungin ang nag-iisang Comedy Concert Queen kung paano niya ikukumpara ang mga youngster ng Dos sa GMA-7.
"Ay, magkaiba sila, kasi taga-kabilang network sila, itong mga ito (PBB Teens), taga-rito, hindi ako pinaghihintay ng matagal sa set at never talaga silang na-late, in fairness to them. "E, si Rainier, ibang level yun. Pero okey na kami ni Rainier," paliwanag ni Ms A.
Huhusgahan ngayong gabi, Biyernes, sa Maalaala Mo Kaya si Empress Schuck dahil siya ang pinakabida sa kuwentong rape ng kanyang tunay na ama.
Nagulat kami dahil sa edad na trese ay tinanggap ni Empress at ng kanyang ina ang role na rape victim at paano ito nabigyan ng magandang acting ng dalagita sa murang edad?
Katwiran sa amin ng taga-Dos, "Matagal na naming nakitaan ng lalim sa pag-arte si Empress kayat in-offer sa kanya ang role na rape victim at sa maniwala ka o hindi, take one siya, huh?
"Kaya nga alaga siya ngayon ng mga director at ng Star Magic dahil next to Claudine Barretto siya when it comes to acting."
Ka-join din ang dalagita sa programang About Our Love na kapalit sa natsuging Star Magic Presents. Reggee Bonoan
Nagtataka ang entertainment press na dumalo sa press launch ng LS kung bakit wala si Jamilla gayung alam nilang nag-cast pictorial na ito.
Ang katwiran ng program unit manager ng Love Spell na si Nini Matilac, "May personal po siyang commitment."
Ganun ka-simple ang pagtatakip ng bossing kay Jamilla na taliwas naman sa nalaman namin na ang tunay na dahilan daw ay hindi feel ng dalagang ina ang kanyang role bilang maid na inaapi ni Aiai delas Alas bukod pa sa ilang eksena lang siya sa anim na linggong episode ng LS. Say pa ng aming source sa Dos, "Nag-inarte na kaagad si Jamilla, namimili na ng role, ayaw ng atsay, gusto yata bida siya agad."
At nang alamin namin sa teen mommy ang dahilan niya, "Sabit po sa schedules, may out-of-town show po ako nung araw mismo ng taping ng LS, e, nagpa-pull out po ako kasi mas malaki ang kikitain ko sa out-of-town. Naintindihan naman po nila ako. Di bale po next time, hindi na ako tatanggi, nataon lang po talaga."
Lalo na ang mga kasama niya sa Pasko Na, Santa Ko ng Love Spell headed by Matt Evans, Olyn Maimban, Kim Chiu, Gerald Anderson, Joaqui Mendoza, Mikki Arceo, Mikee Lee, Fred Payawal, Brenda Fox maliban kay Aldred Gatchalian kasi hindi pa sila nagkakaroon ng eksenang dalawa.
Kaya naman hindi naiwasang tanungin ang nag-iisang Comedy Concert Queen kung paano niya ikukumpara ang mga youngster ng Dos sa GMA-7.
"Ay, magkaiba sila, kasi taga-kabilang network sila, itong mga ito (PBB Teens), taga-rito, hindi ako pinaghihintay ng matagal sa set at never talaga silang na-late, in fairness to them. "E, si Rainier, ibang level yun. Pero okey na kami ni Rainier," paliwanag ni Ms A.
Nagulat kami dahil sa edad na trese ay tinanggap ni Empress at ng kanyang ina ang role na rape victim at paano ito nabigyan ng magandang acting ng dalagita sa murang edad?
Katwiran sa amin ng taga-Dos, "Matagal na naming nakitaan ng lalim sa pag-arte si Empress kayat in-offer sa kanya ang role na rape victim at sa maniwala ka o hindi, take one siya, huh?
"Kaya nga alaga siya ngayon ng mga director at ng Star Magic dahil next to Claudine Barretto siya when it comes to acting."
Ka-join din ang dalagita sa programang About Our Love na kapalit sa natsuging Star Magic Presents. Reggee Bonoan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended