Maricel vs. Maricel
November 17, 2006 | 12:00am
Marami ang nagsasabi na ang sarili niya ang mahigpit na makakalaban ni Maricel Soriano sa darating na awards derby. Wala yatang nakapanood ng kanyang pelikulang Inang Yaya na gawa ng Unitel Pictures ang hindi lumabas ng sinehan na mugto ang mga mata at panay papuri hindi lamang para kay Maricel kundi maging sa dalawang batang kasama niya sa movie, sina Tala Santos (Ruby, anak niya) at Erika Oreta (Louise, alaga niya).
Ang dalawang bata ay resulta ng ilang auditions na ginawa ng Unitel para mahanap ang tamang Louise at Ruby.
Si Tala ay anak ng mga artista sa tanghalan. Hindi ito marunong magbisikleta at lumangoy pero, pinilit niyang matuto nang malaman niyang gagamitan siya ng double para sa mga eksenang ito.
Marami nang nagawang komersyal si Erika. Maganda ito at nakakatuwa, nagagawa nitong pagsabayin ang pagkanta at pag-iyak. Nangunguna ito sa kanyang klase. Marunong itong lumangoy kaya sa eksena na nalulunod siya ay pinagsabihan siya ng direktor na kailangang hindi ito makita.
Unang feature film ito ni Pablo Biglang-Awa, isang painter, short filmmaker at commercial director.
Si Maricel si Norma, iniwan ang anak sa kanyang ina para alagaan ang isang bata na ang mga magulang ay nag-oopisina. Namatay ang kanyang ina, kinailangang tumira ang anak sa kanya. Dito magsisimula ang hirap ni Norma dahil ang dalawang bata ay langit at lupa ang ugali.
Im sure magiging isang malaking problema sa maraming taga-movie industry ang ordinansa na pagpapababa ng amusement tax sa Quezon City. Sa isang pakikipag-usap kay MBC president Ruperto Nicdao, sinabi nito na bagaman at mabibiyayaan ang mga movie producers at theater owners sa ordinansang ito, siguradong may mga magrereklamo na naman dahil mas liliit pa ang mga benepisyong mapupunta sa mga beneficiaries ng MMFF. Tulad ng Actors Guild at Mowelfund. Ang bagay na ito ang paguusapan nila ng mabuti sa susunod na meeting ng MMFF execom. Ngayon pa lamang ay nagiisip na sila ng mga fundraisers para di naman maapektuhan ng husto ang mga tumatanggap ng biyaya sa MMFF.
Pag-uusapan din at dedesisyunan kung hahatiin pa rin ang mga pelikula at bibigyan ng dalawang showing weeks, tulad ng mga nakaraang taon gayong sa pagsisimula pa lamang ng MMFF 06 ay sinabi na ng komite na pinamumunuan ni Chairman Bayani Fernando na sabay-sabay na ang pagpapalabas ng mga entries na naging siyam na lamang dahil sa pag-back out ng Short Time ng Canary Films. Veronica R. Samio
Ang dalawang bata ay resulta ng ilang auditions na ginawa ng Unitel para mahanap ang tamang Louise at Ruby.
Si Tala ay anak ng mga artista sa tanghalan. Hindi ito marunong magbisikleta at lumangoy pero, pinilit niyang matuto nang malaman niyang gagamitan siya ng double para sa mga eksenang ito.
Marami nang nagawang komersyal si Erika. Maganda ito at nakakatuwa, nagagawa nitong pagsabayin ang pagkanta at pag-iyak. Nangunguna ito sa kanyang klase. Marunong itong lumangoy kaya sa eksena na nalulunod siya ay pinagsabihan siya ng direktor na kailangang hindi ito makita.
Unang feature film ito ni Pablo Biglang-Awa, isang painter, short filmmaker at commercial director.
Si Maricel si Norma, iniwan ang anak sa kanyang ina para alagaan ang isang bata na ang mga magulang ay nag-oopisina. Namatay ang kanyang ina, kinailangang tumira ang anak sa kanya. Dito magsisimula ang hirap ni Norma dahil ang dalawang bata ay langit at lupa ang ugali.
Pag-uusapan din at dedesisyunan kung hahatiin pa rin ang mga pelikula at bibigyan ng dalawang showing weeks, tulad ng mga nakaraang taon gayong sa pagsisimula pa lamang ng MMFF 06 ay sinabi na ng komite na pinamumunuan ni Chairman Bayani Fernando na sabay-sabay na ang pagpapalabas ng mga entries na naging siyam na lamang dahil sa pag-back out ng Short Time ng Canary Films. Veronica R. Samio
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended