Phoemela, bida sa Fil-Canadian film!
November 15, 2006 | 12:00am
Marami ang nagulat sa napakaraming review ng pelikulang Ang Pamana (The Inheritance), isang horror picture ng PC3 Global Reach Canada, na binubuo ng mga Fil-Canadian immigrants, dahil pawang mga papuri ang sinasabi tungkol kay Phoemela Baranda. Di kasi kilalang artista sa TV o pelikula si Phoem kundi host ng mga showbiz talkshows at isang commercial and fashion model.
Sa dinami-dami ng mga artista natin ngayon, mapalad si Phoem na makuhang bida sa pelikula, silang dalawa ni Victor Neri, kasama ang mga Fil-Canadian actors na sina Darrel Gamotin, Nadine Villasin, Nicco Lorenzo Garcia, Caroline Mangosing sa direksyon ni Romeo Candido.
"Nag-audition ako for the role, marami kami," pauna ng model/host. "Pinabasa lang naman sa akin ang script for the movie, tapos ibinigay na nila sa akin ang role. (She plays Vanessa, eksperto sa paggamit ng kanyang physical charm to get what she wants. Sa isang eksena ay inakit niya ang kanyang pinsan habang nasa influence ng drugs.)
"Hindi ko ikinahihiya ang role ko. Alam ko, maiintriga na naman ako dahil dito pero, di ko na ito inisip. Im glad nagustuhan nila yung performance ko, meron pala akong natatagong galing sa pag-arte na nailabas ko," pagmamalaki niya.
Dahil sa Ang Pamana, maraming oportunidad ang dumarating kay Phoem. Nakuha siyang bida, kapareha ni Sen Lito Lapid, sa isang movie na lalabasan nilang mag-aama, ang 3 Baraha.
Inamin niya na pinaghuhugutan niya ng akting yung mga hindi magagandang pangyayari na naganap sa buhay niya.
"Tapos na ito, Im happy now, maganda ang takbo ng career ko, kahit pa cool off muna kami ng boyfriend ko (isang band member)," sabi niya. VERONICA R. SAMIO

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended