Nakaka-inspire nga siya kapag kumakanta sa ASAP, kasama ang ilan pang champion idols. Hindi siya nagpapahuli sa kabila ng kanyang karamdaman at markadung-markado pa rin kapag siya na ang kumakanta. Kita mo ang effort na pilit niyang ino-overcome ang kanyang sarili at sakit nito. Kaya kahit nasa recovery pa siya ng kanyang sakit na bells palsy, makikita mo ang kanyang attitude at humbleness sa stage.
"Feeling ko nga, mas blessed pa ako ngayon. This chapter in my life has been a learning experience. It is a lesson that made me realize how temporary things are and how important it is to value every moment that we have," sabi ni Frenchie.
Gustong ipaalam ni Frenchie sa mga kapwa niya may sakit ding bells palsy, na hindi ito dapat ikahiya o kaawaan ang sarili, at para mas lumawak pa ang kaalaman tungkol dito, muli siyang nagbabalik sa concert scene na pinamagatan nitong This Time Im Sweeter kasama sina Angelika dela Cruz, Erik Santos at Overload Band sa Nov. 30 na gaganapin sa Zirkoh Bar Timog QC.
Isa sa ibidensya ni Gerald ang kanyang carrier single na "A Day On The Rainbow" na naririnig na sa radio na walang bakas sa boses na 16 yrs old lang ang kumakanta nito.
Pero sa edad ni Gerald, mga tipong classic songs ang hilig nito na ipinamalas niya sa mga awitin ng kanyang album tulad ng "Isa Pang Pagkakataon," at "Puso Ko, Buhay Ko."
Pero tinitiyak ni Gerald na magugustuhan hindi lang ng mga bagets na kasing edad niya ang mga kanta sa kanyang album, kundi maging ng mga oldies dahil sa magandang paghagod nito ng mga tipong pop ballad na effect.
Ang "Gerald Santos: A Day On The Rainbow" ay release ng GMA Records. LANIE MATE