Para kay Direk Pablo, panahon na para mabigyan naman ng tribute ang mga yaya at idaraos ito tuwing November 29.
"Ispesyal ang mga yaya bilang kasambahay sa isang pamilya. Malaki ang naitutulong nila lalo na kapag may trabaho ang isang mommy at siyang naiiwan para alagaan ang mga bata," ani Maricel.
Sinabi rin ng magaling na aktres na may katok sa puso ang Inang Yaya at napakagaling ng dalawang batang kasama niya na sina Tala Santos (anak ni Maricel) at si Erika Oreta (Louise) na alaga niyang bata. Kahit magaling umarte ang dalawang bata ay nag-undergo pa rin sila ng acting workshop.
Sayang nga at di ito nakapasok sa Metro Manila Film Festival entries, dahil pang-bata ang pelikula na kapupulutan ng aral.
Kumusta naman ang dalawang anak ni Maria?
"Twenty years old na si Marron at may girlfriend na at fourteen naman si Tien. Sila ang mga boyfriends ko kaya sumasama rin ako sa kanilang gimikan kahit nahihilo ako sa magugulong tugtugan. Pati pananamit ko ay tsinitsek din ng dalawa," sey ni Maria.
Kuntento si Maria sa kanyang buhay ngayon at bukod sa pagpoprodyus ng pelikula ay umiikot din ang mundo niya sa kanyang mga anak.
Naikwento ng aktor na minsan ay nagkalkal siya ng mga lumang album noong Sampaguita days pa at muling sinariwa ang magagandang alaala ng pagiging artista. Sa rami ng pelikulang nagawa nito ay paborito niya ang Bilangin Mo ang Bituin sa Langit katambal ang kanyang ka-loveteam noon na si Nora Aunor.
Pagdating sa pakikipagkaibigan ay matatag ang kanilang samahan ni Christopher de Leon kaya naman sinorpresa nila ni Lyn si Boyet nang magdaos ito ng kaarawan sa Panglao, Bohol kamakailan.
Bilang asawa ni Lyn, masasabing ideal itong husband dahil kahit kailan ay di ito naintrigang may karelasyon o na-link sa sinumang babae. Bilang ama naman, masasabing maganda ang pagpapalaking ginawa nito sa tatlong anak na sina TJ (24 yrs. old) na isang medical representative; si Rodgie (21) ay tapos ng computer at si Janine (18) ay malapit nang matapos ng pag-aaral sa kolehiyo sa La Salle. EMY ABUAN-BAUTISTA