Pinuntahan nina Maverick at Ariel si Mayor Sonny Belmonte sa kanyang tanggapan sa Quezon City Hall upang kumustahin ang alkalde at ang lungsod. Ibinahagi ng alkalde ang kanyang mga karanasan mula noong siya ay reporter pa lamang ng Manila Chronicle at kung paano siya nasabak o napunta sa larangan ng pulitika.
Sa kanilang pag-uusap, sinagot ni Mayor SB ang mga tanong kung saan siya ay naapektuhan o nasama tulad na lamang ng pagsasampa ng kaso sa mga Metro Manila Mayors (tulad nila Mayor Peewee Trinidad ng Pasay at Mayor Jejomar Binay ng Makati), ang paglaban niya noon sa Small Town Lottery o STL at ang pananatili niya sa panig ng administrasyon (PGMA) sa kabila ng mga kaliwat kanang batikos sa huli.
Pagkatapos ay binisita nina Maverick at Ariel si Mayor SB sa kanyang tahanan. Doon, ipinakita ng alkalde sa dalawa ang kanyang mga alagang mynah bird at ipinakita ang ilang antique na kagamitan na hilig kolektahin ni Mayor SB.
Tunghayan ang buong kwento ng pangyayari ngayong Lunes, alas-7:00NG sa Totoo TV sa naiibang istasyon, ABC 5.