^

PSN Showbiz

Nagsisisi na nagtangkang mag-suicide nun!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Na-realized na ni Iwa Moto, isa sa bida sa Pitong Dalagita ang kahalagahan ng buhay.

"Napakatanga ko nga kung bakit naisipan kong mag-suicide nun. Masarap palang mabuhay. Maganda ang career ko at may mga plano ako sa buhay na gusto kong matupad. Gusto kong magtayo ng negosyo-isang canteen sa Perpetual College sa Las Piñas. Gusto ko ring makapagpatayo ng aking dream house at tularan si Nadine Samonte na may bahay na," paliwanag nito.

Pinag-aaral niya ang dalawang kapatid-isa sa elementarya at isa sa high school kaya nadarama niya ang kahalagahan ng kanyang trabaho sa kanyang buhay.

Ang Pitong Dalagita ay mula sa Canary Films sa direksyon ni Crisaldo Pablo.
Hirap Mag-Aral Ng Fookien
Isa si Lorna Tolentino sa mga showbiz mommy na naging maganda ang pagpapalaking ginawa sa kanilang mga anak ni Rudy Fernandez.

"Lumaki ang mga anak ko na wala kaming naging problema o sakit ng ulo ni Daboy," ani LT.

Excited na ito sa kanyang role bilang Yolanda na ina ni Angel Locsin sa Mano Po 5: Gua Ai Di. Inamin niyang hirap siya sa pag-aaral ng Fookien na kailangan sa kanyang role.
Paolo, Namimili Ng Mag-Iinterbyu
Naimbyerna ang isang staff ng Unang Hirit na si Rein dahil tumanggi si Paolo Paraiso na ma-interview niya. Takot bang matanong ng dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ng dyowang si Mylene Dizon? Pero, nainis ito nang magpa-interview ito sa ibang TV crew.
Janice, Namigay Ng Regalo
Ni-reveal ni Janice de Belen sa birthday celebration niya sa SiS na mayroong lalaking nag-aalaga ng kanyang puso.

Napaiyak siya nang batiin ng apat na anak kay John Estrada na lumaking mababait at magagalang kahit wala sa tabi ang ama.

Sa halip na siya ang bigyan ng regalo ay si Janice ang namigay ng gifts sa audience na mula sa negosyo niya sa tiangge tulad ng mga polvoron na siya rin ang gumagawa.

ANGEL LOCSIN

CANARY FILMS

CRISALDO PABLO

GUA AI DI

HIRAP MAG-ARAL NG FOOKIEN

IWA MOTO

JANICE

JOHN ESTRADA

PITONG DALAGITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with