^

PSN Showbiz

Marvin, ayaw maging bahagi ng debut ni Pauleen!

-
Hindi na talaga pinag-promote ng Regal si Bianca King ng Gigil at kung wala itong kontrata sa movie company, baka last movie na niya ito. Unless, aregluhin ng manager niyang si Arnold Vegafria ang naging problema niya.

Showing na sa November 22 ang pelikulang wala siya sa unang presscon na pinapunta ang main at supporting cast. Lalong wala siya sa last presscon na sina Katrina Halili at Alfred Vargas lang ang present. Wala rin ang picture niya sa poster at natalo pa siya ni Say Alonzo na kahit first movie ito’y maganda na ang billing at malaki pa ang picture sa poster.

Tapos na ang problema ni Arnold kay Dina Bonnevie sa Regal at mukhang, ang kaso naman ni Bianca ang kanyang aayusin.
* * *
Sina Shaina Magdayao at Rayver Cruz ang headliner sa bagong youth-oriented show ng ABS-CBN na magpa-pilot sa November 25. Masaya ang young actor sa break na ibinigay sa kanila ng ka-loveteam at tulung-tulong daw sila ng ibang cast (17 pa ang kasama nila) na pagandahin ito para magustuhan ng fans.

Samantala, umiling si Rayver nang aming tanungin kung nagkita na sila ng pinsan niyang si Sheryl Cruz. Pareho silang active ng actress pero, ‘di pa nagku-krus ang kanilang landas. Kelan kaya magkikita ang dalawa at kung magkita man, ‘di agad makikilala ni Sheryl si Rayver dahil maliit pa ito nang umalis siya at ngayon, at 17 years old, 6 flat na ang height nito.
* * *
Pa-humble si Marvin Agustin sa presscon ng Wag Kang Lilingon dahil kung may dapat daw manalo, si Anne Curtis yun dahil magaling ito sa Uyayi episode nila. Pati si direk Quark Henares ay pinuri nito to high heavens. Something different daw ang ginawa nito na ‘di kayang gawin ng ibang director.

May ginawa lang si Marvin na ‘di ikatutuwa nina Direk Quark at Jerry Sineneng. Ang inililihim nina Anne at Kristine Hermosa na ending ay ibinuking nito. Magko-cross over siya sa Salamin episode at magkikita sila ni Kristine. Showing sa November 15 ang movie at may premiere night sa Cinema 10 ng SM Megamall.

Hindi namin napilit si Marvin na ipaalam ang birthday gift niya kay Pauleen Luna na debut this Friday, November 10. Basta something special daw and symbolizes something (‘di kaya singsing ito?). Biro lang kaya ang sinabi nitong kaya walang escort si Pauleen sa debut dahil ayaw niya? Two months na silang may-MU at may karapatan na siguro ang actor na mangialam ng konti. Pinagtampuhan din daw nila ang 18 roses na ayaw niyang gawin.
* * *
Unang pelikula for this year ng Canary Films ang Pitong Dalagita at mukhang gugulatin nito ang moviegoers. Inspired ng tunay na nangyari ang pinagbasehan ni direk Cris Pablo sa istorya ng pelikula na tungkol sa mass suicide ng pitong teenagers. In real life, sampu ang sabay-sabay na nag-suicide.

Maganda sana kung sabay-sabay na manonood ang mga magulang at kanilang mga anak sa November 29. Maraming matututunan ang mga magulang at mga anak dito.

Inamin ng director na kinabahan siya noong una na baka ‘di mag-jell ang kanyang cast pero, first day pa lang, nag-bonding na ang pito. Nagka-problema lang nang magkaroon ng conflict sina Cristine Reyes at Iwa Moto dahil sa pagre-report ng late ni Iwa sa shooting at pagiging maingay. Nasigawan siya ni Cristine at ito rin ang gumawa ng paraan para magkabati sila.

"Ang sarap nilang maka-trabaho dahil willing sila to experiment. Ang galing pa nilang umarte. Walang patalbugan at walang naiwan sa kanila," pagmamalaki ni direk Cris.— Nitz Miralles

ALFRED VARGAS

ANNE CURTIS

ARNOLD VEGAFRIA

BIANCA KING

CANARY FILMS

CRIS PABLO

CRISTINE REYES

DINA BONNEVIE

DIREK QUARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with