Kanta ni Aryana, binibili ni Paris Hilton!
November 7, 2006 | 12:00am
Ang galing mag-reinvent ni Aryana ng kanyang sarili lalo na sa cover picture ng self-titled album niya na hindi ko agad nakilala dahil malayo sa teeny looks nitong "Bop It" single last year.
Ibang-iba rin ang timpla ng mga kanta sa kanyang album na mayroong apat na Tagalog songs. Pero hindi pa rin inalis ni Aryana ang pop rock touch sa kanyang mga English songs na forte nito.
"I really love pop at hinaluan din namin ng rock para may kick at catchy ang dating," paliwanag ni Aryana.
Ang isang halimbawa ay ang kantang "Everybody Needs A Little Love" na may magandang melody at areglo na nagustuhan ni Paris Hilton nang marinig ito kaya binibili niya, pero hindi ibinigay ni Aryana dahil collaboration nila ito ng American producer niyang si David Elan na isa sa judge ng Championship of Performing Arts.
Bukod pala sa singing, pangarap din ni Aryana na maging nurse. Ngayon ay nagsisimula na siyang maghanap ng school na papasukan niya next year. At kung paano niya pagsasabayin ang singing at nursing course, ito ang challenge na gustong harapin ng singer.
Puro nurses pala kasi ang auntie ni Aryana lagi raw siyang isinasama sa hospital noong bata siya kaya natanim sa isip niyang maging nurse din.
Ipinanganak at lumaki si Aryana sa Guam na Nia Deen Lim ang tunay na pangalan. Ilokano ang salitang kinalakihan nito. Ang mother niya ay ipinanganak sa Pangasinan na lumaki sa Baguio, at ang father niya ay isang Fil-Chinese na tubong Isabela. Sa Guam din nagkakilala ang parents ni Aryana. Isang propessional dancer ang mother niya bago naging full time housewife at isang branch manager ng bangko sa Guam ang daddy nito.
Ngayon ay matatas na siyang magsalita ng Tagalog bukod sa nag-enrol siya sa UP ay nangawit din ang kanyang panga sa kababasa ng Tagalog komiks at kapapanood ng teleserye.
Ang "Aryana" album na may carrier single na "Muli" ay release ng Universal Records.
Inspired si Lovi sa pagpo-promote ng kanyang "The Best of My Heart" album na halatang dedicated niya ang mga kanta kay Cogie Domingo.
Sa huling taping nga ng Love to Love sa episode na pinagsasamahan nilang Jass Got Lucky, nagulat si Lovi nang nakawan siya ng halik ni Cogie.
"Nagulat ako! Tilian nga ang mga tao sa paligid namin kasi nakita nila ang reaksyon ko," paliwanag ni Lovi na abot tenga ang ngiti. Smack lang kasi ang instruction ng kanilang direktor sa pisngi pero, hinalikan siya ni Cogie sa lips na ikinamula ni Lovi habang ikinukwento.
Kaya kakaiba ang ningning ng kanyang mga mata at mas lalong feel na feel ni Lovi ang kantang "I Love You," "I Never Know Love," "Ikaw Na Nga Kaya," na release ng Sony BMG Records.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended