Sayang kung matitigil ang operasyon ng itinuturing kong pinaka-magandang lugar sa Kamaynilaan at nagpapalabas ng isang napaka-gandang panoorin na hindi mo ikahihiyang ipamalas maski na sa mga balikbayan mong kaibigan o kamag-anakan kaya. Katunayan, lahat ng nakapanood na ng anim na palabas na Bedazzled na nagtatampok sa bantog at magaling na Follies de Mwah ay walang masabi kundi papuri sa magaling na grupo at kay Cris na siya ring choreographer ng show.
Hindi lamang ang choreography ang maipagkakapuri ng Follies de Mwah kundi maging ang kanilang costume na talaga namang ginagastusan nina Pocholo at Cris, ang napakagandang set, stage design at magandang music. Ultimo mga wigs at accessories na gamit ay talagang pasadya para sa show.
I am doing my bit to help Pocholo and Cris, for them to maintain their place and continue giving those fabulous shows. Marami rin silang mga nabibigyan ng trabaho, mga entertainers and employees who are all praying na sana patuloy na tangkilikin ang kanilang lugar.
Patapos na ang Bedazzled 6. Hanggang ngayong buwan na lamang ito. Last week of November ay sisimulan na nila ang Bedazzled 7, na magtatampok sa isa na namang mga Las Vegas inspired show at ang kanilang Christmas presentation.
Hindi nahihiya si Pocholo na aminin na sa hirap ng panahon ngayon ay hindi nila tinitipid ang kanilang palabas. Kahit siya mismo spend time para makatulong sa beading ng mga costumes at maski na sa paggawa ng mga earrings ng mga showgirls niya. This is probably the reason kung bakit buhay pa sila at sunud-sunod naman ang pagtanggap nila ng mga plaques of recognition and awards. Katatanggap lamang nila ng Global Award of Excellence for Club Mwah and for Follies de Mwah.
May time pa kayo to catch Beddazzled 6. At kung anumang okasyon meron kayo, b-day, anniversary, coeporate show, product launching, conference, induction, fashion show, concerts & play, just call 5357943/5322826/5332959, Nasa Boni Ave. ang Club Mwah, 3rd Flr. Venue Tower.