^

PSN Showbiz

Young star nasa coffee shop pero alak ang hanap

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Hanggang ngayon yata ay di pa rin nagbabago ang young actress sa patuloy na pag-inom ng alak.

Kwento kasi ng aking source, nakita niya ang sikat na young actress na ito sa gimikan sa isang sosing lugar. Tipsy ang young actress at naghahanap ng smoking area dahil bawal manigarilyo sa bar. Matapos manigarilyo ay naghanap ito ng coffee shop dahil gustong uminom ng kape. Nang umupo na ito at naghihintay sa kanyang order na kape ay binuksan nito ang kanyang bag at may kinuhang maliit na stainless na inuman na ang laman ay di tubig kundi alak pa rin.

Sana, matigil na ito sa kaiinom ng alak dahil nakakasira sa kanyang career at higit sa lahat, sa kanyang imahe na kung titingnan mo ay kay amo ng mukha at waring di makabasag-pinggan.

Siguro yun din ang dahilan kung bakit di rumatsada ang career niya gaya ng mga kapanabayan na kasama niyang nanalo sa isang reality talent competition.
Magdi-Demanda
Umuusok sa galit sina Mommy Beth Jones at Angelica Jones dahil iniintriga ang mag-ina na di nakakabayad ng kanilang inuupahang apartelle.

Ayon kay Mommy Beth, kumpleto ang kanyang mga resibo na pruwebang bayad sila sa inuupahang bahay at handa niya itong ipakita sa mga nang-iintriga. Kundi raw titigil ang mga naninirang ito kabilang na ang pamosong writer-TV host ay baka idemanda niya ito.

Pero para sa amin, mas makabubuting magharap muna sila at lutasin ang problema para maiwasan ang demandahan. Tutal maliit lang ang mundo ng showbiz at lagi din silang nagkikita-kita, di ba?
Pumirma Ng Kontrata Sa Regal
Inamin ni John Prats na may kissing scenes sila ni Katrina Halili sa SuperNoypi at marami itong anggulong kinunan.

Sinabi pa rin ng aktor na pumirma siya ng exclusive eigth picture contract sa Regal Films.

"Pinakamahirap sa lahat ng pelikulang nagawa ko ang SuperNoypi dahil bukod sa aking prosthetic make-up, may mga delikadong stunts ako na itinuro ni Philip Kho," dagdag pa nito.

Hindi na ngayon maili-link si John kay Katrina dahil inamin nitong may non-showbiz girlfriend na siya.
Ordinance Signing Ceremony
Nilagdaan na ni Mayor Sonny Belmonte ang ordinansa na nagtatalaga ng 0% taxes sa screening at showing ng locally produced films na idinaos noong Oktubre 23 sa Carlos Albert Session Hall sa Quezon City.

Ang ordinance na nag-aamyenda sa Section 39 ng Ordinance No. SP-91, S-1993 ng Quezon City Revenue Code, as Amended ay sinaksihan ng movie industry leaders sa pangunguna ni Chairman Espiridion Laxa ng Film Academy of the Philippines (FAP), Vice Mayor Herbert Bautista at City Councilors kabilang na si Aiko Melendez at iba pa.

Ang principal author ng ordinance na si Councilor Ariel Inton ay nagmungkahi na kailangang magkaroon ng ilang insentibo sa local film industry para maengganyo ang ibang local producers na makagawa pa ng mga de-kalidad na pelikula.

"With this pioneering piece of legislation, i’m hoping that similar ordinance supporting and giving incentive to a "dying" cultural medium will be enacted in other local government," says Mayor Belmonte.

Sinabi naman ni FAP Chairman Laxa na sana’y magsunuran ang ilang city officials para maibaba ang amusement tax sa local films.

AIKO MELENDEZ

ANGELICA JONES

CARLOS ALBERT SESSION HALL

CHAIRMAN ESPIRIDION LAXA

CHAIRMAN LAXA

CITY COUNCILORS

COUNCILOR ARIEL INTON

FILM ACADEMY OF THE PHILIPPINES

JOHN PRATS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with