Empress, type si Angelo na type naman si Shaina?
November 5, 2006 | 12:00am
Iisa ang pahayag sa amin ng mga taga-Dos na among the Star Circe batch 13 ay sina Empress Schuck, Lauren Young, Valeen Montenegro, Angelo Patrimonio, AJ Perez, Christopher Gutierrez ang may potential na lumaki ang pangalan, huwag lang daw magbabago ang mga ugali dahil sa 24 members ng nasabing batch ay sila raw ang nag-shine sa lahat.
At ang 24 members ay naging 12 na lang at anim pa roon ang hindi pa gaanong napapansin.
Nabuking namin na ito palang si Empress ay crush ang binatilyo ni Alvin Patrimonio, kaya pala mega-tukso ang inaabot niya sa ilang kasamahan sa Star Magic.
Sina Sam Concepcion at Kristoff ang magiging ka-loveteam ni Empress sa Super Inggo, pero sa ibang programa ay mukhang si Angelo ang makaka-partner ng dalagita.
And speaking of Empress, ka-join din pala siya sa Shake, Rattle and Roll na entry ng Regal Entertainment ngayong MMFF 2006 sa episode na LRT 2.
Good influence naman pala si Diether Ocampo sa kanyang future wife (hindi pa legal ang kasalang naganap) na si Kristine Hermosa dahil tinuruan niya itong maging malapit sa entertainment media.
Aloof dati sa press people si Tintin dahil medyo hindi siya sanay na nakakalkal ang kanyang pribadong buhay dahil katwiran niya ay hindi lahat ng tungkol sa kanya ay dapat mabasa sa pahayagan.
Alam ng aktres na public figure siya, pero para sa kanya ay may karapatan din daw silang mga artistang magtago ng tungkol sa kanila.
At dahil dito ay nagkaroon yata ng phobia si Kristine sa media na kapag tinatanong ay nagiging suplada ang dating niya dahil nga minsan, hindi maganda ang mga sagot.
Pero recently ay napansin na ang pagbabago ng magandang mapapangasawa ni Diet dahil magiliw na ito at sumasagot na ng mahusay, minsan nakakalimot, naiirita sa mga tanong tungkol sa kanyang pamilya tulad sa isyung na-remata na raw ang bahay na ipinagawa niya para sa magulang at mga kapatid.
Hindi type ng magulang ni Tin si Diether noong bago palang sila, pero ngayon ay tanggap na nila ang aktor para maging manugang at nagpapasalamat nga rin sila sa naituro sa anak nila.
Hangang-hanga pala ang lahat ng taga-Dos at ilang youngster kay Matt Evans alyas Pedro Penduko dahil maski raw malaki na ang pangalan nito bilang bida sa 20 episodes ng Komiks ay hindi pa rin nila nakitaan ng ere sa katawan.
Kung ano raw ang ugali nito simula nang mag-umpisa ang Pinoy Big Brother Teen Edition ay ganito pa rin hanggang sa mga sandaling ito considering na malaki na ang pagbabago sa buhay niya ngayon.
"Halos lahat ng puntahan niya at makakita, kilalang-kilala na at ang maganda kay Matt, nagdyi-dyip pa rin as in. Hindi siya nahihiya at bumibili pa rin sa tindahan. Nakikipagkuwentuhan pa rin sa lahat. At napakabait niyang anak sa magulang at kapatid," kuwento sa amin ng ilang nakakasama ng binatilyong aktor.
Kaya hindi raw sila magtataka kung sa sandaling panahon ay gumanda pang lalo ang career ni Matt dahil marunong daw itong makisama at lumingon sa pinanggalingan. - Reggee Bonoan
At ang 24 members ay naging 12 na lang at anim pa roon ang hindi pa gaanong napapansin.
Nabuking namin na ito palang si Empress ay crush ang binatilyo ni Alvin Patrimonio, kaya pala mega-tukso ang inaabot niya sa ilang kasamahan sa Star Magic.
Sina Sam Concepcion at Kristoff ang magiging ka-loveteam ni Empress sa Super Inggo, pero sa ibang programa ay mukhang si Angelo ang makaka-partner ng dalagita.
And speaking of Empress, ka-join din pala siya sa Shake, Rattle and Roll na entry ng Regal Entertainment ngayong MMFF 2006 sa episode na LRT 2.
Aloof dati sa press people si Tintin dahil medyo hindi siya sanay na nakakalkal ang kanyang pribadong buhay dahil katwiran niya ay hindi lahat ng tungkol sa kanya ay dapat mabasa sa pahayagan.
Alam ng aktres na public figure siya, pero para sa kanya ay may karapatan din daw silang mga artistang magtago ng tungkol sa kanila.
At dahil dito ay nagkaroon yata ng phobia si Kristine sa media na kapag tinatanong ay nagiging suplada ang dating niya dahil nga minsan, hindi maganda ang mga sagot.
Pero recently ay napansin na ang pagbabago ng magandang mapapangasawa ni Diet dahil magiliw na ito at sumasagot na ng mahusay, minsan nakakalimot, naiirita sa mga tanong tungkol sa kanyang pamilya tulad sa isyung na-remata na raw ang bahay na ipinagawa niya para sa magulang at mga kapatid.
Hindi type ng magulang ni Tin si Diether noong bago palang sila, pero ngayon ay tanggap na nila ang aktor para maging manugang at nagpapasalamat nga rin sila sa naituro sa anak nila.
Kung ano raw ang ugali nito simula nang mag-umpisa ang Pinoy Big Brother Teen Edition ay ganito pa rin hanggang sa mga sandaling ito considering na malaki na ang pagbabago sa buhay niya ngayon.
"Halos lahat ng puntahan niya at makakita, kilalang-kilala na at ang maganda kay Matt, nagdyi-dyip pa rin as in. Hindi siya nahihiya at bumibili pa rin sa tindahan. Nakikipagkuwentuhan pa rin sa lahat. At napakabait niyang anak sa magulang at kapatid," kuwento sa amin ng ilang nakakasama ng binatilyong aktor.
Kaya hindi raw sila magtataka kung sa sandaling panahon ay gumanda pang lalo ang career ni Matt dahil marunong daw itong makisama at lumingon sa pinanggalingan. - Reggee Bonoan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended