"Magkasama naman kami sa soap opera pero ni hindi man lang siya nagsabi tungkol sa kanyang panliligaw sa aking kapatid. Alam naman niya ang ethics dahil nakapag-aral naman siya. Lumabas tuloy na ako ang mayabang. Matagal na akong artista pero wala pa akong nakakaaway sa mga kasamahan kong artista," anang aktor.
Biniro namin si Polo kung payag ba siyang magsuntukan sila ni Alfred sa celebrity boxer. Payag naman ito sakaling sila ang pagtatapatin.
Nakilala niya ito nang lumabas siya sa Pinoy Big Brother. Two months na silang magkarelasyon. Napakaganda ni Miyaka at may kumukuha na sa kanya para mag-artista pero graduating ito sa La Salle ng Commerce.
"Mahilig ako sa tsinita gaya ni Heart Evangelista na naging gf ko rin. Nag-meet na ang family ko at family ni Miyaka at maganda ang samahan nila," aniya.
Dali-daling pumasok dun ang young actress at ipinark muna ang van sa gilid ng hotel.
Nasa lobby din ang executive at matamang pinagmamasdan ang van na kinalululanan ng magnobyo. Maya-maya ay yumugyog na ang sasakyan at 30 din itong gumagalaw.
Bumaba ang dalawa at pumasok uli sa lobby at napuna ng aking source na di nagtugma ang butones ng blouse ng young actress kaya inayos muna ito bago pumasok sa isang coffee shop.
Maganda ang takbo ngayon ng career ng sikat na young actress na alaga ng isang malaking network at hindi naman itinatago na may boyfriend siyang non-showbiz.