Hindi namin alam kung ano ang tinutukoy niyang video.
Pero sa kanyang sermon, nabanggit niya ang pangalan ng isang lehitimong kumpanya ng pelikula na siya raw gumawa ng video na iyon.
Dalawa ang katanungan ng pari. Una, bakit daw naman pinapayagan na ng gobyerno na gumawa ng mga ganoong malalaswang panoorin. Ang sabi nga niya, hindi mo na maawat yong underground films, bakit pati sa legal pinapayagan na ang ganoon?
Ang ikalawa niyang tanong, hindi raw kaya ang sinasabing pagbagsak ng entertainment industry sa ating bansa ay dahil pinaparusahan na rin tayo ng Diyos dahil ang ginagawang mga pelikula ng mga producers ay puro kalaswaan, ang video ay kalaswaan at pati ang mga kanta.
Hindi raw kaya ang dapat sa entertainment industry ay isang spiritual renewal, talikuran ang mga kalaswaang yan para tulungan naman sila ng Diyos?
Ang totoo hindi kami makakibo. Masakit pakinggan ang sermon ng pari pero totoo naman ang kanyang sinasabi.
Sayang, siguro kami lang ang taga-showbiz sa misang iyon. Dapat marinig yon ng mas maraming nasa showbusiness. Baka sakaling yon na nga ang solusyon sa problema.
Isang hamon ito sa mga taga-showbusiness na nasa spiritual renewal movement, kagaya niyang Oasis of Love, na mukhang masyado na yatang tameme ngayon at saka yong iba pang communities, pati na yang mga born again.
Sabi, mukhang sumasama na raw ang image ng Channel 2. Lumalabas na matapos nilang pakinabangan ang isang talent, idina-dump na lamang nila. Pero sabi naman ng isang kausap namin, mas masama ang image ng Channel 7. Para na kasi sila ngayong "dumpsite".