Showbiz, kailangan ng spiritual renewal
November 4, 2006 | 12:00am
Natawag ang aming pansin noong isang araw sa sermon ng isang pari sa kanyang misa. Nabanggit kasi niya ang isang lumabas na video na nagpapakita ng mga male bold stars na naghuhubad, at ang ending kahit na walang ipinakitang genitals ay nagma-masturbate naman.
Hindi namin alam kung ano ang tinutukoy niyang video.
Pero sa kanyang sermon, nabanggit niya ang pangalan ng isang lehitimong kumpanya ng pelikula na siya raw gumawa ng video na iyon.
Dalawa ang katanungan ng pari. Una, bakit daw naman pinapayagan na ng gobyerno na gumawa ng mga ganoong malalaswang panoorin. Ang sabi nga niya, hindi mo na maawat yong underground films, bakit pati sa legal pinapayagan na ang ganoon?
Ang ikalawa niyang tanong, hindi raw kaya ang sinasabing pagbagsak ng entertainment industry sa ating bansa ay dahil pinaparusahan na rin tayo ng Diyos dahil ang ginagawang mga pelikula ng mga producers ay puro kalaswaan, ang video ay kalaswaan at pati ang mga kanta.
Hindi raw kaya ang dapat sa entertainment industry ay isang spiritual renewal, talikuran ang mga kalaswaang yan para tulungan naman sila ng Diyos?
Ang totoo hindi kami makakibo. Masakit pakinggan ang sermon ng pari pero totoo naman ang kanyang sinasabi.
Sayang, siguro kami lang ang taga-showbiz sa misang iyon. Dapat marinig yon ng mas maraming nasa showbusiness. Baka sakaling yon na nga ang solusyon sa problema.
Isang hamon ito sa mga taga-showbusiness na nasa spiritual renewal movement, kagaya niyang Oasis of Love, na mukhang masyado na yatang tameme ngayon at saka yong iba pang communities, pati na yang mga born again.
Nasa Channel 7 na si Roderick Paulate, at binigyan siya ng napakagandang welcome ng istasyon. Naglabas ng mga teasers sa tv, sunud-sunod halos at ipinakilala siyang isang hari sa acting. Nasa Channel 7 na rin si John Lapus at binigyan siya ng segment sa S Files.
Sabi, mukhang sumasama na raw ang image ng Channel 2. Lumalabas na matapos nilang pakinabangan ang isang talent, idina-dump na lamang nila. Pero sabi naman ng isang kausap namin, mas masama ang image ng Channel 7. Para na kasi sila ngayong "dumpsite".
Kuwento ng isang kaibigan naming doktor, naging pasyente raw niya ang isang young female star, inayos daw niya ang kaunting skin problems na mukhang hindi naayos ng dermatologist na pinasasalamatan nito araw-araw sa tv. Pero ang natawa siya, lahat daw ng treatment na gawin niya sa young female star, gusto ng nanay gawin din sa kanya.
Hindi namin alam kung ano ang tinutukoy niyang video.
Pero sa kanyang sermon, nabanggit niya ang pangalan ng isang lehitimong kumpanya ng pelikula na siya raw gumawa ng video na iyon.
Dalawa ang katanungan ng pari. Una, bakit daw naman pinapayagan na ng gobyerno na gumawa ng mga ganoong malalaswang panoorin. Ang sabi nga niya, hindi mo na maawat yong underground films, bakit pati sa legal pinapayagan na ang ganoon?
Ang ikalawa niyang tanong, hindi raw kaya ang sinasabing pagbagsak ng entertainment industry sa ating bansa ay dahil pinaparusahan na rin tayo ng Diyos dahil ang ginagawang mga pelikula ng mga producers ay puro kalaswaan, ang video ay kalaswaan at pati ang mga kanta.
Hindi raw kaya ang dapat sa entertainment industry ay isang spiritual renewal, talikuran ang mga kalaswaang yan para tulungan naman sila ng Diyos?
Ang totoo hindi kami makakibo. Masakit pakinggan ang sermon ng pari pero totoo naman ang kanyang sinasabi.
Sayang, siguro kami lang ang taga-showbiz sa misang iyon. Dapat marinig yon ng mas maraming nasa showbusiness. Baka sakaling yon na nga ang solusyon sa problema.
Isang hamon ito sa mga taga-showbusiness na nasa spiritual renewal movement, kagaya niyang Oasis of Love, na mukhang masyado na yatang tameme ngayon at saka yong iba pang communities, pati na yang mga born again.
Sabi, mukhang sumasama na raw ang image ng Channel 2. Lumalabas na matapos nilang pakinabangan ang isang talent, idina-dump na lamang nila. Pero sabi naman ng isang kausap namin, mas masama ang image ng Channel 7. Para na kasi sila ngayong "dumpsite".
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended