Napatunayan namin na talagang sikat na sikat si Christian sa Indonesia dahil pini-pirata na rin ang kanyang album doon.
"Hanggat may Enteng Kabisote, mananatiling si Kristine ang kapareha ni Vic," ani Direk Tony.
Balik sa G Tongi sa papel na Ina Magenta na kanyang ginampanan sa Part 1 ng Enteng Kabisote.
Ayon kay Direk Tony, maraming mga nakakatuwang eksena ang Enteng Kabisote 3 na wala sa naunang dalawang version bukod pa siyempre na may special participation ang lady-love ni Bossing (Vic) na si Pia Guanio.
Speaking of Pia, wala itong problema pagdating sa mga anak ni Vic lalo na kina Danica at Oyo Boy na pareho niyang kasundo. Tanggap na rin nina Danica at Oyo si Pia para sa kanilang daddy.
Dahil mailap pa rin si Vic sa pagpapakasal matapos siyang mahiwalay sa kanyang ex-wife na si Dina Bonnevie, humantong kaya sa altar ang relasyong Vic at Pia?
While vocal si Alex sa pagsasabing babae ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ni Jeremy, ayaw naman mag-komento ni Jeremy tungkol sa naging dahilan ng kanilang muling pagkakahiwalay.
Enjoy si Renz sa Guam dahil very warm ang pagtanggap sa kanya ng ating mga kababayan na doon na naka-base.
"Ang sarap mag-perform sa Guam. Bukod sa warm ang mga kababayan natin doon, marami na rin akong naging kaibigan doon. Tahimik, malinis at walang traffic sa Guam at lahat malapit mula sa airport, hotel at mga shopping centers. In five to ten minutes ay mararating mo na agad ang pupuntahan mo," lahad ni Renz na nagpasikat ng awiting "Remember Me" at iba pang hit songs.
Bukod sa Guam, interesado rin ang ilang producer na dalhin siya sa karatig lsland, ang Saipan.
Kung sa Guam naka-base ngayon si Aila Marie, doon din nakabase ngayon ang dating aktor na si Bojo Molina na may sariling pamilya na rin doon. Naging DJ sa isang radio station sa Guam si Bojo pero ngayon ay sa banko na siya nagtatrabaho habang ang kanyang wife ay isa namang titser.
Matagal ding namalagi sa Guam ang kapanabayan noon nina Darius Razon, Esperanza Fabon at iba pa na si Rhodora Silva pero lumipat na ito sa mainland USA kasama ang kanyang American husband.