Magsa-surfing lang nakuha nang artista!
November 4, 2006 | 12:00am
Napaka-swerte naman nitong si Tomoyukli Tai, isang Japanese actor/model na pumunta lang ng Pilipinas para subukan ang galing niyang mag-surfing sa mga beaches natin, hindi niya akalain ay masasali pala siya sa local showbiz at sa kakapirasong panahong inilagi niya sa bansa ay hindi lamang siya nakuhang artista (Takeshis Castle at Daisy Siete, GMA7), nakuha rin siya para maging image model ng Plaza Fair para sa taong 2007, modelo rin siya ng Bench), ngayon ay nag-decide ito na gusto pala niya rito, ipagpapatuloy niya ang magandang nasimulan niya sa local showbiz.
Hindi naman kataka-taka kung swertihin man si Tai, kailan lamang siya rito pero napakatatas na niyang mag-Tagalog, courtesy of a UP tutor. Daig pa niya ang maraming Pinoy na may dugong banyaga na matagal na sa bansa pero garil pa rin sa ating lengwahe.
Sa seryeng Daisy Siete, sila ni Rochelle Pangilinan ang magkakatuluyan sa ending at ang mga eksena nila ay kukunan dun mismo sa Japan. Aalis sila sa Dis. 17-21 para mag-tape sa Japan.
Si Tomoyukli Tai rin ang kapareha ni Aryana sa napakaganda nitong MTV na dinirek ni Jeffrey Tan para sa awiting "Ulan," isang touching ballad na kinompos ni Jimmy Antiporda para sa self-titled album niya from Universal Records.
Ibang-iba rito si Aryana, malayong malayo na sa image niya nang awitin niya ang "Bop Bop It (Bop It)" at ang Christmas single niyang "Ako Ang nauna (Bumati ng Merry Christmas)" .
Para sa isang hindi pa nai-in love o nagkakaron ng boyfriend, parang beterana na sa ngalan ng pag-ibig ang magandang Guamenian dahil mukha siyang woman of the world sa kanyang MTV na talagang nasaktan na sa pag-ibig.
"Pinagalitan nga ako ng aming direktor dahil kapag walang take, nagdyo-joke ako kaya pagkukunan na ako nahihirapan akong mag-emote.
"I really had a hard time shooting that MTV dahil wala akong maalalang malungkot na part ng aking buhay, parang lahat masaya," paliwanag ni Aryana, who came home victorious from the 8th Shanghai Music Festival where she won a silver medal last year.
There are 11 cuts in the Aryana album, a duet with Brennan Espartinez ("Muli"), "Flying", "Love Me Tonight", "Honestly", "Araw Gabi", at marami pang iba.
Excited siya dahil malaki ang posibilidad na makapag-recording siya sa China at maipamahagi rin ang CD niya run. Hindi alam ng marami pero, may dugo siyang Intsik, ang kanyang ama is half Pinoy, half Chinese at nagmula sa Fukian China, in the mainland.
Linggu-linggo ay napapanood si Aryana sa SOP na kung saan ay nanalo rin siya sa SOP Music Award para sa Maximum Dance Blast.
[email protected]
Hindi naman kataka-taka kung swertihin man si Tai, kailan lamang siya rito pero napakatatas na niyang mag-Tagalog, courtesy of a UP tutor. Daig pa niya ang maraming Pinoy na may dugong banyaga na matagal na sa bansa pero garil pa rin sa ating lengwahe.
Sa seryeng Daisy Siete, sila ni Rochelle Pangilinan ang magkakatuluyan sa ending at ang mga eksena nila ay kukunan dun mismo sa Japan. Aalis sila sa Dis. 17-21 para mag-tape sa Japan.
Ibang-iba rito si Aryana, malayong malayo na sa image niya nang awitin niya ang "Bop Bop It (Bop It)" at ang Christmas single niyang "Ako Ang nauna (Bumati ng Merry Christmas)" .
Para sa isang hindi pa nai-in love o nagkakaron ng boyfriend, parang beterana na sa ngalan ng pag-ibig ang magandang Guamenian dahil mukha siyang woman of the world sa kanyang MTV na talagang nasaktan na sa pag-ibig.
"Pinagalitan nga ako ng aming direktor dahil kapag walang take, nagdyo-joke ako kaya pagkukunan na ako nahihirapan akong mag-emote.
"I really had a hard time shooting that MTV dahil wala akong maalalang malungkot na part ng aking buhay, parang lahat masaya," paliwanag ni Aryana, who came home victorious from the 8th Shanghai Music Festival where she won a silver medal last year.
There are 11 cuts in the Aryana album, a duet with Brennan Espartinez ("Muli"), "Flying", "Love Me Tonight", "Honestly", "Araw Gabi", at marami pang iba.
Excited siya dahil malaki ang posibilidad na makapag-recording siya sa China at maipamahagi rin ang CD niya run. Hindi alam ng marami pero, may dugo siyang Intsik, ang kanyang ama is half Pinoy, half Chinese at nagmula sa Fukian China, in the mainland.
Linggu-linggo ay napapanood si Aryana sa SOP na kung saan ay nanalo rin siya sa SOP Music Award para sa Maximum Dance Blast.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended