MAY MILYONES NA BAHAY

Naalala naman kaya ng isangTV host ang mga naging kawawang biktima sa ULTRA stampede last All Soul’s Day? Eh parang ang priority yata ng TV host na ito ngayon ay manghingi ng simpatya para makakuha ng kakampi at kaawaan siya tungkol sa annulment case filed by his wife. Pinalalabas pa siyang underdog at role model.

Ha. May issue pa bang ganun?

Kawawa nga ‘yung isang female TV host na bobita na natakot sa threat ng mga malalapit sa TV host na pag nagsalita siya, tsugi siya sa programa kaya ayun nagtiyaga na lang ang pobreng TV host at pumayag na lang daw maging dyowa-dyowaan.
* * *
Sosyal din itong si Cassandra Ponti. Imagine, kung 'yun ibang ex-PBB housemate, gone na ang career at back to normal life, si Cass nakapagpagawa na ng sariling bahay sa Davao. Basta dream house niya raw ito at siya mismo ang nag-design at nag-landscape. Definitely, milyun-milyon.

Almost three years bago natapos ang nasabing house sa Davao na ngayon ay tinitirhan ng kanyang mother at kuya. "Ang tagal bago natapos kasi no’ng simulan ‘yun, nagmo-model model pa lang ako, three years ago," sabi ni Cass habang ka-tsika namin sa saloon ni Bambi Fuentes somewhere in Timog Avenue in Quezon City.

Seven bedrooms ang nasabing house, tatlo ang comfort rooms at American ang concept. Up and down ang house na siya mismo ang namili ng mga gamit.

Pero ang lot, hindi na niya binili. Namana 'yun ng mother niya sa kanyang lola. At buhay pa ang lola nang simulan niyang ipagawa ang bahay. "Nagsisimula pa lang ako no'n. Maliit pa lang ang kita ko no'n. Eh after PBB, nagtuluy-tuloy ang work so itinuloy ko na ang pagpapagawa," sabi ni Cass.

Bukod sa nasabing bahay, naka-aquire na rin siya ng brand new car worth almost P1.5 million. Siya mismo ang nagda-drive. Sayang nga naman kung magha-hire pa siya ng driver.

Pero may experience agad si Cass sa nasabing car. Three day old pa lang ang nasabi niyang car, naibangga na niya. Nasa EDSA siya no'n na sobrang traffic eh automatic ang car kaya nang bigla niyang matapakan ang gas instead na break ayun sumalpok.

"Hindi naman masyadong matagal ginawa saka, may insurance naman," sabi ni Cass.

Hindi pa niya nababayaran ng buo ang nasabing car. Pero nag-down siya at 18 months to pay - P35,000 a month.

Sa President's Tower din siya nakatira at nagri-rent ng almost P15,000 a month.

Kaya malamang na magkaroon ng inggit factor ang iba kaya hindi na surprise kung iintrigahin siya.

Anyway, sunud-sunod ang project niya ngayon. Kasama pala siya sa pelikulang Enteng Kabisote, Shake, Rattle and Roll (LRT episode).

Sa Enteng, role ng police woman sa side ni Bossing Vic. Marami raw siyang action scenes sa movie pero hindi siya nagpa-double.

Sa Shake, Rattle and Roll naman, kasama niya sina Manilyn Reynes and Kempee de Leon.

Parehong entry sa Metro Manila Film Festival ang nasabing pelikula.
* * *
Nanguna ang Showbiz Stripped hosted by Ricky Lo sa top 30 late night programs (non-cable household ratings) AGB NMR Mega, Manila, from September 17-23, 2006.

Sumunod ang Sunday Night Box Office (local specials) at pumangatlo ang SOCO (Scene of the Crime Operatives) hosted by Gus Abelgas. "Very thankful kami sa viewers dahil talagang nagtitiyaga silang manood," react ni Tito Ricky sa nasabing result ng latest survey.

Maraming unforgettable episodes ang Showbiz Stripped na ngayon ay nakaka-four seasons na.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - salve@philstar.net.ph

Show comments