^

PSN Showbiz

Kuya Germs, humarap sa local press sa US!

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Nagkaroon pa pala ng isang press conference si Kuya Germs sa US, kung saan nakaharap niya ang local press people doon, yong mga dyaryo na para sa Filipino communities na may kaugnayan sa isang show na ginawa niya sa California, kasama ang ilang Filipino talents na nakabase na roon.

Siyempre kasama na rin doon ang promo niya ng Pinoy TV. Kaya naman payag nang payag si Kuya Germs sa mga shows ngayon sa abroad eh, kasi talagang ganado siya na ang kanyang show ay siyang nagiging number one sa abroad. At gusto pa niya itong mai-promote ng husto.

Pero yung show pala na huli niyang ginawa, ang talagang purpose ay matulungang mabigyan ng exposure ang ilang Filipino talents na US based. Kung sila-sila nga lang naman ang magso-show roon, sino na lang ang manonood sa kanila? Kaya kailangan nila ang isang sikat na artista, at sino pa nga ba ang maaari nilang kunin para magturo at mag-endorse sa kanila kundi ang top rater ng Pinoy TV, at ang kinikilalang master showman ng Pilipinas na si Kuya Germs.

Sinasabi nga nila, yon lamang ginawang endorsement ni Kuya Germs sa mga baguhang talents na naroon ay napakalaking bagay na. Kasi, sino ba naman doon ang makapagpapatunay na talented nga sila? May maniniwala na lang ba basta sa mga lumalabas sa mga local Pinoy newspapers doon, eh siyempre hahanapin ng mga kapwa nila Pinoy kung may pangalan nga ba sila rito.

Pero dahil sa endorsement na ibinigay ni Kuya Germs sa kanila, aba naging hit ang kanilang show, at marami ang nagbayad ng mahal na tickets.
* * *
Matapos ang paulit-ulit na denial nila noong una, dahil siguro sa takot na baka dahil doon ay may magpetisyon sa Bureau of Immigrations na paalisin sa bansa si Vanessa del Bianco, inamin na ngayon ni John Estrada na split na nga sila, pero matapos ang isang relasyong tumagal ng lima’t kalahating taon.

Inamin din naman niya na ok pa rin sila, kaya nga lang nag-aaral na raw si Vanessa sa Canada, dahil hindi naman masyadong tumakbo ang career niya rito, at nahihirapan naman sila sa isang long distance love affair kaya nagpasya na silang mag-split na lang muna.

Minsan talaga magugulat ka sa mga artista. Nagde-deny sila ng kanilang relasyon pero aaminin din naman pala.
* * *
Kung gaano kabait ang image na gustong palutangin ng isang male star sa mga manonood niya sa telebisyon, lumalabas ngayon kung gaano siya kabrutal. Minsang mag-away silang mag-asawa, inupakan daw nito ang babae. Tapos sa galit pa, inihagis ang kanyang maliit pang anak sa kama nila.

Kung sa US nangyari yan, ewan tiyak na dadamputin siya agad ng 911 dahil sa ginawa niyang iyon sa bata. Pero dito sa atin, dahil talagang mabagal ang usad ng batas, wala pa ring nangyayari. Pero magugulat ka, napakalayo ng image na gusto niyang ipinta sa isipan ng publiko sa tunay niyang pagkatao.

BUREAU OF IMMIGRATIONS

JOHN ESTRADA

KAYA

KUYA GERMS

NAMAN

PERO

PINOY

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with