Old movie lang ang nagpataob sa Love Spell
November 3, 2006 | 12:00am
Sa January 2007 na raw ang airing ng Lov Pow, ang kapalit ng Love to Love dahil malakas daw ang Kapuso movie na inumpisahang iere last week.
Supposedly, after ng L2L finale season ay ang LP na ang ipapalit, pero hindi pa ready ang nasabing programa dahil may mga kulang pa kayat isinalpak muna ang pelikulang Ispiritista nina Vic Sotto at BJ Forbes.
"Maganda ang ratings ng old movies kaya ididiretso na ito til December at malaki pa ang kita," katwiran mismo ng taga-GMA-7.
Umamin naman ang taga-Dos na first time sumemplang sa ratings game ang Love Spell dahil nakakuha lang ito ng 10% kumpara sa katapat na pelikula na naka-29%. Gayundin ang Your Song na nakakakuha naman ng 12%.
Kahapon, Huwebes ang cast pictorial ng 19 youngters na pinangungunahan ng magka-loveteam na Rayver Cruz at Shaina Magdayao kasama ang ilang myembro ng Star Circle batch 13 with Pinoy Big Brother Teen Edition para sa programang kapalit ng Star Magic Presents.
Maganda ang concept ng bagong youth oriented show na ito ng Star Magic na co-prod ng ABS-CBN at mula naman sa direksyon ni Erick Salud na bukas, Sabado naman ang first taping day.
Muling ibabalik ang tambalang Kim Chiu at Gerald Anderson, hoping na bago man lang mamaalam sa ere ang SMP ay manalo naman ito sa ratings dahil sa ilang weeks airing ng nasabing programa ay ang pilot episode lang ang nanalo sa ratings game ober Startalk kaya papatayin na ito.
Maraming nanalangin na hindi si Rosita Bareng ng Dubai ang mapalayas bukas sa Pinoy Dream Academy dahil nga pang-apat ng nominations ito ng pride ng mga DH.
Inamin mismo ng taga-PDA na malakas si Rosita at kung ibabase ang performance niya ay talagang magaling siya at hindi nga lang niya naipasa ang midterm exams.
In fact sa surveys ay kasama parati si Rosita sa top 3, yun nga lang hindi raw siya ang bet ng lahat para maging 1st Star Dreamer dahil obviously its Yeng Constantino ng Rizal ang mananalo sa graduation night ng mga scholar sa December 16 na gaganapin sa Araneta.
"Posibleng si Yeng talaga dahil sikat na sikat ang kanta niyang "Hawak Kamay," halos ito na ang kinakanta ng lahat. Marami rin kaming requests na natatanggap na isama siya parati sa mall show ng PDA.
"In fairness, multi-talented si Yeng, maski naman tinotopak yun, okey lang kasi nga artist di ba, sino bang artist ang walang topak? At saka bata pa si Yeng, nakikita naman di ba?
Among the other nominated for expulsion tomorrow night aside for Rosita ay sina Chai Fonacier ng Cebu City, Eman Abatayo ng Iloilo at Ronnie Liang ng Pangasinan. Reggee Bonoan
Supposedly, after ng L2L finale season ay ang LP na ang ipapalit, pero hindi pa ready ang nasabing programa dahil may mga kulang pa kayat isinalpak muna ang pelikulang Ispiritista nina Vic Sotto at BJ Forbes.
"Maganda ang ratings ng old movies kaya ididiretso na ito til December at malaki pa ang kita," katwiran mismo ng taga-GMA-7.
Umamin naman ang taga-Dos na first time sumemplang sa ratings game ang Love Spell dahil nakakuha lang ito ng 10% kumpara sa katapat na pelikula na naka-29%. Gayundin ang Your Song na nakakakuha naman ng 12%.
Maganda ang concept ng bagong youth oriented show na ito ng Star Magic na co-prod ng ABS-CBN at mula naman sa direksyon ni Erick Salud na bukas, Sabado naman ang first taping day.
Muling ibabalik ang tambalang Kim Chiu at Gerald Anderson, hoping na bago man lang mamaalam sa ere ang SMP ay manalo naman ito sa ratings dahil sa ilang weeks airing ng nasabing programa ay ang pilot episode lang ang nanalo sa ratings game ober Startalk kaya papatayin na ito.
Inamin mismo ng taga-PDA na malakas si Rosita at kung ibabase ang performance niya ay talagang magaling siya at hindi nga lang niya naipasa ang midterm exams.
In fact sa surveys ay kasama parati si Rosita sa top 3, yun nga lang hindi raw siya ang bet ng lahat para maging 1st Star Dreamer dahil obviously its Yeng Constantino ng Rizal ang mananalo sa graduation night ng mga scholar sa December 16 na gaganapin sa Araneta.
"Posibleng si Yeng talaga dahil sikat na sikat ang kanta niyang "Hawak Kamay," halos ito na ang kinakanta ng lahat. Marami rin kaming requests na natatanggap na isama siya parati sa mall show ng PDA.
"In fairness, multi-talented si Yeng, maski naman tinotopak yun, okey lang kasi nga artist di ba, sino bang artist ang walang topak? At saka bata pa si Yeng, nakikita naman di ba?
Among the other nominated for expulsion tomorrow night aside for Rosita ay sina Chai Fonacier ng Cebu City, Eman Abatayo ng Iloilo at Ronnie Liang ng Pangasinan. Reggee Bonoan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended