Melanie, nagdemanda!

Nag-file ng demanda si Melanie Marquez, product endorser ng New Placenta (soap, lotion and cream among others) ng Psalmstre Enterprises laban sa Pureform Cosmetics Products Co., ang pangulo nitong si G. Irineo B. Garcia at ang PRO at events consultant ng kumpanya na si Richard Hiñola.

Ang Pureform at si G. Garcia, dahilan sa paggamit sa dating Miss International sa pagpapalaganap ng kanilang produkto na karibal ng mga produktong ini-endorso ni Melanie nang walang pahintulot nito, sa mga poster na lumabas sa isang magasin at sa mga poster na nakadikit at nakikita sa Kamaynilaan.

Si G., Hiñola naman ay idinemanda sa pagpapakita ng mga pribadong dokumento tulad ng kontrata ni Melanie sa Psalmstre na wala ring pahintulot nito.

Humihingi ng danyos si Melanie na nagkakahalaga ng P13M. Kinakatawan si Melanie ni Atty. Teodulo M. Punzalan ng Punzalan & Associates Law Office.

Dating Renew Placenta ang New Placenta na lahat ng produkto ay nagtataglay ng mukha ni Melanie Marquez ngayon. Unang nagpakilala nito ay ang Psalmstre Ent. sa pangunguna ni Jim Acosta at ilang mga kasama. Bago pa kinuha ng Psalmstre ang Pureform Cosmetics ni G. Irineo Garcia bilang toll manufacturer o gumagawa ng kanilang produkto, nagbebenta na sila ng hubad na Placenta soap, naka-plastic lamang at di pa nakalagay sa kahon. Pero, mahigit P100,000 pirasong Renew Placenta Classic Orange ang pumuti dahil ginamitan ng mababang uri ng ingredients. Hanggang ngayon, meron pa ring nagsosoli ng mga pumuting mga sabon sa opisina ng Psalmstre na nagbunga ng milyong pisong perwisyo.

Dito naisipang iangat ng Psalmstre ang kalidad ng kanilang produkto sa tulong ni Dr. Dietmar J. Rummel. Malugod naman itong tinanggap ng mga Pinoy dahil tiwala sila na di lang sa Psalmstre kundi maging kay Melanie na nagsabing "Hangga’t nandito ako, ito ang totoo, ang Psalmstre New Placenta."

Sa kabila ng kanyang inihaing kaso, nakatakdang umalis sa buwang ito si Melanie kasama ang kanyang buong pamilya para magbakasyon sa Utah, sa rancho ng kanyang asawang si Atty. Adam Lawyer. Dadalawin din niya ang anak na si Manuelito. Mga tatlong linggo hanggang isang buwan siyang mawawala.
* * *
veronica@philstar.net.ph

Show comments