Kaya, pag siya pa rin ang nag-report sa pagre-resume ng shooting ng pelikula sa November 4, wala ng problema si direk Joel Lamangan na involved din sa paghahanap ng actress na gaganap sa role ni Yolanda. Kapag di talaga pwede si Dina, sa shooting sa Saturday malalaman ang kanyang replacement.
Ibig sabihin, ire-reshoot ang one day shooting na kanyang ginawa na ang galing-galing pa naman daw nito at take one kinunan ang reconciliation scene nila ni Ketchup Eusebio na gumaganap na special child at kanyang anak sa movie.
Pangiti-ngiti lang si Mark habang nakatingin sa dalawa. Wala nga naman siyang karapatang magselos at alam na taken na si John. Nasa pictorial nga ang non-showbiz girlfriend nitong si Miakka Lim na kilala raw ng mga kasamat dumadalaw din sa shooting nila.
Dedma rin si Mark sa narinig na sinabi ni Jennylyn na between them, ang dalaga ang unang naka-move on after their break-up. Pansin lang namin, hindi sinagot ni Jen kung may kapalit na ang ex sa puso niya at kung si Patrick Garcia yun.
Sina Jen at Mark pa rin ang magka-loveteam sa SN pero, ang ikinatutuwa ng dalaway hindi focus sa loveteam ang istorya ng pelikula. Hindi rin daw kailangan ang kilig scenes kaya, 3 percent lang nito ang meron. Ang focus ng movie ay kung paano nila isi-save ang mundo sa masasamang tao gamit ang kani-kanyang powers.
Bandang August nagsimula ang relasyon ng dalawa sa Nivea Party sa Shangri-La. Marami ang nakapansin noon na nang umalis si Victor, kasunod na niya si Michelle and after a few days, item na sila. Ngayon, kahit saan makitay very sweet ang dalawa at hindi nila itinatago ang pagiging sweet kesehodang nabibiro si Victor na cradle snatcher.
Saka, parang nakabuti kay Michelle na older ang boyfriend dahil matagal na siyang hindi naiintriga. Trabaho at si Victor ang priority nito at tuwang-tuwang masama sa cast ng MP 5 dahil madadagdagan ang ipon. Balak nito at ng kapatid na si Ehra Madrigal na magsama sa isang tirahan next year para silay mas makatipid.
Susubukan naman ni Mercurio (John Lapus) na ipasok ang kamay niya sa katawan ni Captain B (Paolo Bediones). Hindi siya nagtagumpay dahil nagtulong sina Captain B. at Mrs. B (Angel Aquino) na isaksak ang kamay nila rito, dahilan para sumabog si Mercurio. NITZ MIRALLES