Inamin ni
Polo Ravales na sa mga nakaraang buwan ay nawalan sila ng panahon ni
Ara Mina sa isat isa. Pero di ito nangangahulugan na nagkakalabuan na sila. Sunud-sunod kasi ang series of shows ng nobya sa abroad at ngayong Nobyembre 7 ay aalis na naman ito patungong Middle East for a series of shows. Abala naman sa taping at syuting ng pelikulang
SuperNoypi si Polo habang nandito sa bansa si Ara.
"Gusto kong bumawi kaya bago umalis si Ara ay baka pumunta kami ng Hongkong kahit three days lang. Kasama namin ang bestfriend niyang si
Rufa Mae Quinto at baka si
Erik Santos," anang aktor.
Sa kabilang banda, enjoy si Polo sa kanyang role bilang si Euen sa
SuperNoypi na gumagamit ng black magic. Magkapatid sila ni
Sandara Park at madalas silang mag-away.
"Ang treatment ng pelikula ay parang
X-Men na pang-adult," sey pa ni Polo.
Mark, Nililigawan Si Nicole |
Magkakaroon ng dance concert si
Mark Herras sa December 1 sa Metro Bar. Baka sa December 14 ay bumalik sila ni
Jennylyn Mercado sa New York para sa promosyon ng
I Love New York dahil ipalalabas ito dun.
Inamin ni Mark na nililigawan niya si
Nicole Anderson at dalawang buwan na niya itong sinusuyo dahil nababaitan siya rito. Magiging maganda ang kanyang Pasko kapag sinagot siya nito. At least di na siya loveless.
Kasama siya sa
SuperNoypi at may power ito ng telekinesis, napapagalaw nito ang mga bagay.
Hahataw ang ating mga Kapusong paslit sa ibat ibang challenges ng pang-trick or treat. Magkakaroon ng tagisan ng bilis, imahinasyon at diskarte ng team ng Mamaw Halimaw (
BJ Forbes-
Sandy Talag), Mumu Multo (
Eisen Bayubay-
Sam Bumatay) at Rah-Rah Bampira (
Gabriel-
Eunice Lagunsad).
Bukod sa mga challenges, magpapakitang gilas din ang mga kids sa masasayang Halloween inspired musical numbers.
Blind Item: Two Timer Ang Sikat Na Aktor? |
Kaya pala imbyerna ang isang sikat na aktor na si A sa kasamahang si aktor B ay dahil may pagka-two timer din pala ito. Noong kasalukuyang nililigawan ni Actor B ang isang young actress ay nagti-text din pala ito sa kapatid ni aktor A kung saan nililigawan din ito.
Pag nagkaroon ng celebrity boksing, gusto ni aktor A na magkasubukan sila ni aktor B na nanligaw sa kanyang kapatid na nag-aartista rin.