Foursome sina Ara-Polo, Rufa-Erik sa HK!
November 2, 2006 | 12:00am
Inamin ni Polo Ravales na sa mga nakaraang buwan ay nawalan sila ng panahon ni Ara Mina sa isat isa. Pero di ito nangangahulugan na nagkakalabuan na sila. Sunud-sunod kasi ang series of shows ng nobya sa abroad at ngayong Nobyembre 7 ay aalis na naman ito patungong Middle East for a series of shows. Abala naman sa taping at syuting ng pelikulang SuperNoypi si Polo habang nandito sa bansa si Ara.
"Gusto kong bumawi kaya bago umalis si Ara ay baka pumunta kami ng Hongkong kahit three days lang. Kasama namin ang bestfriend niyang si Rufa Mae Quinto at baka si Erik Santos," anang aktor.
Sa kabilang banda, enjoy si Polo sa kanyang role bilang si Euen sa SuperNoypi na gumagamit ng black magic. Magkapatid sila ni Sandara Park at madalas silang mag-away.
"Ang treatment ng pelikula ay parang X-Men na pang-adult," sey pa ni Polo.
Magkakaroon ng dance concert si Mark Herras sa December 1 sa Metro Bar. Baka sa December 14 ay bumalik sila ni Jennylyn Mercado sa New York para sa promosyon ng I Love New York dahil ipalalabas ito dun.
Inamin ni Mark na nililigawan niya si Nicole Anderson at dalawang buwan na niya itong sinusuyo dahil nababaitan siya rito. Magiging maganda ang kanyang Pasko kapag sinagot siya nito. At least di na siya loveless.
Kasama siya sa SuperNoypi at may power ito ng telekinesis, napapagalaw nito ang mga bagay.
Hahataw ang ating mga Kapusong paslit sa ibat ibang challenges ng pang-trick or treat. Magkakaroon ng tagisan ng bilis, imahinasyon at diskarte ng team ng Mamaw Halimaw (BJ Forbes-Sandy Talag), Mumu Multo (Eisen Bayubay-Sam Bumatay) at Rah-Rah Bampira (Gabriel-Eunice Lagunsad).
Bukod sa mga challenges, magpapakitang gilas din ang mga kids sa masasayang Halloween inspired musical numbers.
Kaya pala imbyerna ang isang sikat na aktor na si A sa kasamahang si aktor B ay dahil may pagka-two timer din pala ito. Noong kasalukuyang nililigawan ni Actor B ang isang young actress ay nagti-text din pala ito sa kapatid ni aktor A kung saan nililigawan din ito.
Pag nagkaroon ng celebrity boksing, gusto ni aktor A na magkasubukan sila ni aktor B na nanligaw sa kanyang kapatid na nag-aartista rin.
"Gusto kong bumawi kaya bago umalis si Ara ay baka pumunta kami ng Hongkong kahit three days lang. Kasama namin ang bestfriend niyang si Rufa Mae Quinto at baka si Erik Santos," anang aktor.
Sa kabilang banda, enjoy si Polo sa kanyang role bilang si Euen sa SuperNoypi na gumagamit ng black magic. Magkapatid sila ni Sandara Park at madalas silang mag-away.
"Ang treatment ng pelikula ay parang X-Men na pang-adult," sey pa ni Polo.
Inamin ni Mark na nililigawan niya si Nicole Anderson at dalawang buwan na niya itong sinusuyo dahil nababaitan siya rito. Magiging maganda ang kanyang Pasko kapag sinagot siya nito. At least di na siya loveless.
Kasama siya sa SuperNoypi at may power ito ng telekinesis, napapagalaw nito ang mga bagay.
Bukod sa mga challenges, magpapakitang gilas din ang mga kids sa masasayang Halloween inspired musical numbers.
Pag nagkaroon ng celebrity boksing, gusto ni aktor A na magkasubukan sila ni aktor B na nanligaw sa kanyang kapatid na nag-aartista rin.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended