Bea, pagsusuotin ng magic camison sa TV series!

Klinaro ni Sandara Park ang tungkol sa videong ‘kissing scene’ nila ni Katrina Halili na nakita ng ilang entertainment media, "Hindi naman po true ‘yun, biruan lang ‘yun at saka hindi naman dumampi. Si direk Quark (Henares) kasi," sambit ng dalaga sa ilang reporters na nakausap niya.

Hindi raw kasi alam ni Sandy kung paano makiki-bonding sa mga kasama niya sa Super Noypi dahil mahiyain nga siya kaya ang ginawa raw ni Katrina ay biniru-biro siya na ginawan naman daw ng isyu sa set at ‘yun nga, "Kinunan po kami ng video," sambit sa amin.

Tawa naman nang tawa si Direk Quark nang banggitin naming knows ni Sandara ang pagkuha niya ng video sa cellphone niya.

"E, kasi inamin ko na ako ang kumuha sa kanila. Hindi naman ako nagsisinungaling," tumatawang sabi ni Direk Quark.

So, sinadya bang gawan ng isyu sina Katrina at Sandara para magkaroon ng ingay ang Super Noypi?

"Ay, hindi naman, maganda naman itong movie namin, abangan mo," pangangatwiran sa amin ni direk Quark.

Going back to Sandara ay inamin din niyang hindi niya gustong may kissing scene ang boyfriend niyang si Joseph Bitangcol sa ibang artistang babae dahil, "Nagagalit ako," seryosong sambit ng dalaga.

Pero okey daw makipag-kaibigan si Joseph sa bading, "Kasi mas maganda ako sa mga bading," dagdag pa uli ni Sandy.
* * *
Ayaw nang pag-usapan ni Polo Ravales ang isyu sa kanila ni Alfred Vargas dahil tapos na at hindi raw makakatulong sa career niya.

Mas feel niyang pag-usapan ang tungkol sa nalalapit na concert ng girlfriend niyang si Ara Mina na gaganapin sa Araneta Coliseum next year in celebration of her 15th year anniversary sa entertainment industry.

Hindi raw nakipag co-prod si Polo dahil hindi naman daw siya inalok at hindi raw naman kailangan ni Ara ng perang pang-produce, "Kayang-kaya naman niya kasi maraming sponsors at maraming pera ‘yun. Siguro ang maitutulong ko na lang ay moral support at kakanta ako, duet kami ng paborito naming kanta," pagbubuking ni Polo sa gagawin nila ni Ara.

So, singer na si Polo ngayon?

"Ha, ha, ha trying lang. Sana maganda ‘yung duet namin," natawang sagot ng aktor.

At ang comment ng manager niyang si direk Manny Valera sa guesting niya sa concert ay, "Goodluck to him!" kasi nga hindi naman daw singer ang alaga niya.

Dark-man ang role ni Polo sa Super Noypi, pero hindi raw siya bad kundi super bait at matulungin. At hindi raw siya kaiinisan ng mga bagets pag napanood ang movie sa December.

In fairness, ang guwapo ngayon ng aktor, parang bumabata lalo at lumalabas na ‘ate’ niya si Ara.

"Ikaw naman, ha, ha, maganda lang make-up ko," napangiting say ng aktor.

Klinaro rin ni Polo ang kumalat na balitang hiwalay na sila ng singer/actress, "Walang katotohanan yo’n. Okey kami. Taka nga ako bakit may isyung ganu’n. As of now, four months na kami, nagsimula kami ng June," pagtatapat nito.

At wala rin daw katotohanan ang Chinese businessman na boyfriend ngayon ni Ara dahil, "Imposibleng meron o nangangaliwa siya kasi alam ko kung nasaan siya at tumatawag siya sa akin at kapag may oras ako, sinu-surprise visit ko siya, so saan nagmula ‘yung Chinese businessman?," tanong uli sa amin.
* * *
Mukhang hindi lang si Mother Lily Monteverde ang gagamit ng ‘magic camison’ na nagbigay swerte sa mga youngster noon dahil gagaya na rin ang Star Cinema.

Yes, magsusuot na rin ng magic camison si Bea Alonzo sa Maging Sino Ka Man at kukunan siya habang naliligo sa batis kung saan sila napadpad ni John Lloyd Cruz.

Ang tsika sa amin ng taga-MSKM, "Wet look po ang eksena, hindi ko lang alam kung may bra o magdo-dobleng sando si Bea para hindi bumakat ang boobs niya. Siyempre wholesome image si Bea, eh."

Hindi rin pa raw knows ng aktres na may ganitong eksena dahil hindi pa ito napag-uusapan. Kaya sana raw ay pumayag ito dahil kailangan sa istorya.

At ano naman ang isusuot ni John Lloyd?

"Actually, hindi ko alam kung maliligo rin siya, baka pwedeng hindi, pwedeng oo, siguro naka-boxer shorts kasi ‘yun naman talaga ang gamit niya, hindi pwedeng mag-brief lang, ayaw niya," katwiran pa sa amin.

E, sina Anne Curtis at Sam Milby, wala bang eksenang sabay ding naliligo?

"As of now wala akong alam, maliban do’n sa kissing scene na natsika ko na sa ‘yo," say uli sa amin.

So, kung si Anne ay nag-two piece kasama si Sam, si Bea naman ay naka-wet look kasama si Loydie, ganda ng eksena ng Maging Sino Ka Man, huh? – REGGEE BONOAN

Show comments