Kaleldo, mapantayan kaya ang Twilight Dancers?
November 1, 2006 | 12:00am
Ikatlong linggo na nang pagpapalabas ng Twilight Dancers sa Kamaynilaan at mga pangunahing lungsod sa bansa. Pero, magsisimula naman ngayon ang isa pang produksyon ng Center Stage Productions, ang Kaleldo (Summer Heat) na nasa direksyon naman ni Brillante Mendoza, nagdirek ng Masahista. Tanong ng marami ay kung makakayang pantayan ang rekord sa takilya ng Twilight Dancers ng Kaleldo.
Kung ang Twilight Dancers ay tinangkilik ng gay community na masasabing mayron nang clout o pwersa sa ngayon, totoo rin kaya ito sa Kaleldo na isa namang lesbian movie?
Binigyan ng gradong "B" ng Cinema Evaluation Board ang pelikula na nagtatampok kina Cherry Pie Picache, ang lesbyanang dini-discriminate ng ama, Juliana Palermo na may problema sa asawa at Angel Aquino na isang kerida. Silang tatlo ay mga anak ng isang mahigpit na ama (Johnny Delgado).
Kasama pa rin sina Criselda Volks, ang girlet ng lesbyana at Lauren Novero, asawa ni Juliana.
Imbitado ang pelikula sa Vienna, Hawaii at Cairo International Film Festivals.
Forty two na ang nagiging produkto ng artista search na StarStruck. Ilan sa kanila ngayon ay kinikilala nang artista sa kanilang henerasyon.
Ngayong malapit nang ilunsad ang StarStruck: The Next Level, marapat lamang na balikan natin ang mga kabataang pinalad na mapasama sa listahan. Sino nga ba sa kanila ang pinaka-star? Sino ang tunay na nag-survive? At higit sa lahat, sino ang magtatagal?
Aalamin ito ni Pia Guanio sa kanyang programang Ang Pinaka ngayong Linggo, 6NG, QTV 11.
Makakasama ni Pia sina GMA Artist Center head Ida Henares, stage director and performance mentor Freddie Santos, TV directors Khryss Adalia, Louie Ignacio at Rico Gutierrez at ang producer talent manager na si Manny Valera.
E-mail: [email protected]
Kung ang Twilight Dancers ay tinangkilik ng gay community na masasabing mayron nang clout o pwersa sa ngayon, totoo rin kaya ito sa Kaleldo na isa namang lesbian movie?
Binigyan ng gradong "B" ng Cinema Evaluation Board ang pelikula na nagtatampok kina Cherry Pie Picache, ang lesbyanang dini-discriminate ng ama, Juliana Palermo na may problema sa asawa at Angel Aquino na isang kerida. Silang tatlo ay mga anak ng isang mahigpit na ama (Johnny Delgado).
Kasama pa rin sina Criselda Volks, ang girlet ng lesbyana at Lauren Novero, asawa ni Juliana.
Imbitado ang pelikula sa Vienna, Hawaii at Cairo International Film Festivals.
Ngayong malapit nang ilunsad ang StarStruck: The Next Level, marapat lamang na balikan natin ang mga kabataang pinalad na mapasama sa listahan. Sino nga ba sa kanila ang pinaka-star? Sino ang tunay na nag-survive? At higit sa lahat, sino ang magtatagal?
Aalamin ito ni Pia Guanio sa kanyang programang Ang Pinaka ngayong Linggo, 6NG, QTV 11.
Makakasama ni Pia sina GMA Artist Center head Ida Henares, stage director and performance mentor Freddie Santos, TV directors Khryss Adalia, Louie Ignacio at Rico Gutierrez at ang producer talent manager na si Manny Valera.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended