Sa isyung sasapakin niya si Direk Quark: Maski biro di ko sasabihin yon. Ano ako, sira ulo?
October 31, 2006 | 12:00am
Super-react na si Mark Herras sa isyung na-late siya sa set ng Super Noypi, hindi raw yun intentional dahil may valid reasons siya sa dalawang beses niyang pagkaka-late.
"Nagtataka lang ako ate Reggs, bakit pag ako ang nali-late, e, big deal at naisusulat agad, bakit yung iba kapag nali-late hindi naman. Aminado ako, twice akong na-late sa Super Noypi kasi galing ako ng Antique nun at umuwi pa ako at nagbihis saka naligo na rin, e, si Jen (Jennylyn Mercado) kaya naunang dumating sa akin kasi may mga gamit na siya sa kotse, ako wala.
"Yung pangalawang late ko, me taping ako, hindi ako kaagad na-pack-up kaya panay ang sorry ko sa lahat at kay direk Quark (Henares) nga. E, ewan ko bakit lumaki," iritadong esplika ni Mark.
Klinaro rin ng aktor na hindi siya nagsabing gusto niyang sapakin si Direk Quark na maski raw pabiro ay hindi niya sasabihin yun dahil, "Ano ba naman ako, sira ulo? Direktor ko yun at iginagalang ko at isa pa, anak siya ni Dra. Belo, endorser ako ng Forever Flawless so, bakit ko siya sasapakin?"
Ang isyung pananapak daw ang nagpainit ng ulo niya dahil never daw niya itong sasabihin o gagawin sa kanyang ka-trabaho.
Promo pala ng pelikulang Kasal, Kasali Kasalo ng Star Cinema na entry ngayong MMFF 2006 kaya nai-intrigang ikinasal o pakakasal na sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos.
Nakalimutan na kasi namin ang nasabing pelikula dahil wala naman itong ingay at nagulat na lang kami kung bakit biglang may isyung kasalan na naman between the two. Kayat may I text kaagad kami kay Mommy Carol Santos kung ano ang tungkol sa nasabing isyu at ang sagot sa amin ay, "Pati ba naman ikaw, bumili sa promo? Hindi mo alam na promo lang yun?"
At nang makausap naman namin si Ryan ay tawa naman ng tawa ang future husband ni Budaday.
"Natatawa na rin kami kasi parati na lang yun ang isyu, but its okey now kasi positive na ang dating, hindi na negative, so okey lang," katwiran sa amin ng host ng Philippine Idol.
Itinanggi rin ng binata ang planong February 14, 2007 ang target date nilang pagpapakasal dahil as of now, "We dont have a date yet, we dont know when pa talaga.
"But seriously, marami pang dapat tapusin, like we are going to do a soap drama (ang pagkakaalam namin ay Isabella ang working title ng soap) pa and hopefully before the year ends, mag-taping na kami, so wala pa talagang kasalan," dagdag pa ng binata.
At busy din siya sa pagiging host ng Philippine Idol na magtatapos til December 10 na gaganapin sa Araneta Coliseum at babalik na rin siya sa Y-Speak kung saan nakabakasyon siya for 6 months.
Going back to Kasal, Kasali Kasalo, wala bang kaba si Ryan sa pelikula dahil first time nilang magsama ng future wife niya sa big screen at pang film festival pa?
"Naku, bahala na si Juday dyan. Kayang-kaya na niya yan. Pangalan lang niya, okey na, hindi na ako kinakabahan," natatawang sabi ng aktor.
Abut-abot ang paghingi ng dispensa ng ama ni Iya Ginez, ang pang-pitong na-tsugi sa Pinoy Dream Academy dahil nakapagsalita ito ng hindi maganda sa harap ng tv cameras nung gabing palayasin ang dalaga sa academy.
Naiyak at napamura si Mr. Ginez sa ginawa ng ibang scholars sa kanyang anak at nabanggit nga niyang, "Hindi nag-iisip ang ibang scholars na i-vote out ang anak ko."
Katwiran nga naman ng ama ni Iya ay may improvement pa si Iya at 2nd timer lang itong ma-nominate unlike si Michelle Bond na nakaka-apat na at dapat automatic expulsion na iyon, pero ano ang ginawa ng ibang scholars, ibinoto ang taga-Norway na manatili sa PDA.
At nang mahimasmasan ay humingi naman ng dispensa ang ama ng dalaga at masama lang daw ang loob niya sa ginawa sa anak niya. REGGEE BONOAN
"Nagtataka lang ako ate Reggs, bakit pag ako ang nali-late, e, big deal at naisusulat agad, bakit yung iba kapag nali-late hindi naman. Aminado ako, twice akong na-late sa Super Noypi kasi galing ako ng Antique nun at umuwi pa ako at nagbihis saka naligo na rin, e, si Jen (Jennylyn Mercado) kaya naunang dumating sa akin kasi may mga gamit na siya sa kotse, ako wala.
"Yung pangalawang late ko, me taping ako, hindi ako kaagad na-pack-up kaya panay ang sorry ko sa lahat at kay direk Quark (Henares) nga. E, ewan ko bakit lumaki," iritadong esplika ni Mark.
Klinaro rin ng aktor na hindi siya nagsabing gusto niyang sapakin si Direk Quark na maski raw pabiro ay hindi niya sasabihin yun dahil, "Ano ba naman ako, sira ulo? Direktor ko yun at iginagalang ko at isa pa, anak siya ni Dra. Belo, endorser ako ng Forever Flawless so, bakit ko siya sasapakin?"
Ang isyung pananapak daw ang nagpainit ng ulo niya dahil never daw niya itong sasabihin o gagawin sa kanyang ka-trabaho.
Nakalimutan na kasi namin ang nasabing pelikula dahil wala naman itong ingay at nagulat na lang kami kung bakit biglang may isyung kasalan na naman between the two. Kayat may I text kaagad kami kay Mommy Carol Santos kung ano ang tungkol sa nasabing isyu at ang sagot sa amin ay, "Pati ba naman ikaw, bumili sa promo? Hindi mo alam na promo lang yun?"
At nang makausap naman namin si Ryan ay tawa naman ng tawa ang future husband ni Budaday.
"Natatawa na rin kami kasi parati na lang yun ang isyu, but its okey now kasi positive na ang dating, hindi na negative, so okey lang," katwiran sa amin ng host ng Philippine Idol.
Itinanggi rin ng binata ang planong February 14, 2007 ang target date nilang pagpapakasal dahil as of now, "We dont have a date yet, we dont know when pa talaga.
"But seriously, marami pang dapat tapusin, like we are going to do a soap drama (ang pagkakaalam namin ay Isabella ang working title ng soap) pa and hopefully before the year ends, mag-taping na kami, so wala pa talagang kasalan," dagdag pa ng binata.
At busy din siya sa pagiging host ng Philippine Idol na magtatapos til December 10 na gaganapin sa Araneta Coliseum at babalik na rin siya sa Y-Speak kung saan nakabakasyon siya for 6 months.
Going back to Kasal, Kasali Kasalo, wala bang kaba si Ryan sa pelikula dahil first time nilang magsama ng future wife niya sa big screen at pang film festival pa?
"Naku, bahala na si Juday dyan. Kayang-kaya na niya yan. Pangalan lang niya, okey na, hindi na ako kinakabahan," natatawang sabi ng aktor.
Naiyak at napamura si Mr. Ginez sa ginawa ng ibang scholars sa kanyang anak at nabanggit nga niyang, "Hindi nag-iisip ang ibang scholars na i-vote out ang anak ko."
Katwiran nga naman ng ama ni Iya ay may improvement pa si Iya at 2nd timer lang itong ma-nominate unlike si Michelle Bond na nakaka-apat na at dapat automatic expulsion na iyon, pero ano ang ginawa ng ibang scholars, ibinoto ang taga-Norway na manatili sa PDA.
At nang mahimasmasan ay humingi naman ng dispensa ang ama ng dalaga at masama lang daw ang loob niya sa ginawa sa anak niya. REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended