Natanong na namin si Arnold sa tsikang Dina-Rosanna at wala itong alam sa isyu. If ever daw na lalapit sa kanya si Osang para magpa-manage, si Lolit Solis at hindi si Dina ang kanyang tatanungin. Obvious na mas takot si Arnold kay Lolit kesa kay Dina.
Anyway, nag-comment na rin si Rosanna na di niya kilala ng personal si Arnold and if ever, mag-active uli siya sa showbis, baka ibang manager ang lapitan at di si Arnold.
Nanalo si Robin na Best Actor in a Leading Role-Drama for La Vida Loca at bukod kay Tony Gloria ng Unitel at director Mark Meily, pinasalamatan niya si Sharon Cuneta na co-producer ng pelikula. Special mention din nito ang asawang si Liezel Sicangco na nag-iisa lang daw niyang asawa. Ibig bang sabihin, nakalimutan na niya ang marriage proposal niya kay Regine Velasquez?
Nagpo-promote na si Robin ng Asian Treasures na next year pa ang airing. Naurong naman sa November ang taping nitot nagti-training pa sila ni Angel ng martial arts at fight scenes.
Paborito na yata ni Mother Lily si Say dahil granted ang wish niya. Kasama siya sa cast ng Atangs Family na si Joel Lamangan pa rin ang director. Malapit na ring simulan ang shooting nito, kaya tuluy-tuloy ang kanyang trabaho hanggang next year.
Natutuwa si Say dahil by working in Regal, nagkakaroon siya ng chance na maka-trabaho ang stars ng GMA-7. Aminado itong kinabahan siya nang malamang makakasama niya si Katrina dahil suplada ang dating nito sa kanya. Laking gulat daw niya dahil kalog ang sexy star at hanggang ngayon, lumalabas sila para mag-kape at mag-tsikahan.
Magpo-promote pala ng Gigil sa Ch. 7 si Say. Nagpaalam siya sa ABS-CBN at pinayagan kaya, baka nasa Eat Bulaga, Startalk at S-Files ito. Kabado ito sa pagtapak sa Siete at baka walang pumansin sa kanya. "Sana, matanggap ako ng mga Kapuso stars," wish nito.