Matagumpay na artista si
Richard Gutierrez pero may pangarap pa rin ito na nais matupad. Gusto niyang maging isang direktor sa pelikula. "Nag-undergo na ako ng workshop kay Direk
Peque Gallaga at kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto kong magdirek ng isang family oriented movie yung ala-
Adams Family."
Sa kabilang banda, inamin ni Richard na malaki na ang ipinagbago ng kanyang inang si
Annabelle Rama.
"Di na palaaway si Mommy. Nung nag-apologize si
DJ Mo sa gay issue tungkol sa kapatid kong si
Raymond ay tahimik lang ito," sey pa ni Richard.
Angel, Puspusan Ang Paghahanda Para Sa Action Series |
Nagsasanay si
Angel Locsin ng martial arts at Muay Thai boxing bilang paghahanda sa pelikula na pagsasamahan nila ni
Robin Padilla.
"Idol ko si Robin dahil magaling siya sa aksyon at malapit siya sa mga tao lalo na yung mahihirap."
Gusto ring matuto ni Angel ng target shooting na minsan na niyang ginawa sa
Extra Challenge noon.
Wala Na Ang Mga Batang Kinagiliwan Ng Marami Sa Bakekang |
Kaabang-abang na ang
Bakekang dahil malaki na ang mga anak ni
Sunshine Dizon na sina Kristal (
Lovi) at Charming (
Yasmien Kurdi) gayundin ang anak ni
Sheryl Cruz na si Lorraine (
Nadine Samonte). Magiging sikat na teenstar si Lorraine, extra sa pelikula si Kristal at patuloy naman ang paghihirap ni Charming dahil sa pagmamalupit sa kanya ni Rita (
Lotlot de Leon). Mula sa Canada ay babalik na sila ng Pilipinas.
Ayon sa tatlong young actress, ipagpapatuloy nila ang kahusayan sa pag-arte na sinimulan ng tatlong mga bata na kay gagaling talagang umarte. Kaya biglang nagkaroon ng maraming fans sina
Eunice Michelle Lagunsad, Louise Joy Folloso at
Jolina Marie Reyes.
Blind Item: Dating Pakawala Ang Sikat Na Singer |
Naibulong ng aking source na nagtrabaho nun sa isang hotel na kilalang-kilala niya ang singer na ito.
"Madalas siyang tumambay sa lobby ng aming hotel at naghihintay ng parukyanong karamihan ay foreigner. Hindi pa kasi siya sikat nun," anang source.
Visible pa rin hanggang ngayon ang sikat na singer na madalas ay may show sa abroad.