Samantala, may inihahandang b-day concert si Aiai sa Klownz Araneta sa Nob. 10 at 17 na pinamagatang Alas, referring to family, friends and fans na tinatawag niyang magic sa buhay, mga taong nagpasaya, nagbigay halaga at sumuporta sa kanya sa loob ng 42 taon.
To be directed by Floy Quintos, magiging guests sina Erik Santos, Rufa Mae Quinto, Wally, Jose at iba pang surprise guests.
Wish ni Aiai na magpatuloy lamang ang mga magagandang blessings sa buhay niya. Regalo niya sa sarili niya ang isang bagong bahay na nilipatan nilang mag-iina. "Gusto ko sanang magkaron ng sarili kong building balang araw," sabi niya.
Bukod sa isang October midnight sale, magkakaron ng Fashionadigras 2006, A Salute to Womens Pulchritude, isang fashion show na kung saan ay tampok si Pauleen Luna, ang bagong celebrity endorser ng Renew Placenta Herbal Beauty Products. Kasama rin si Rae Carrera, artist ng Galaxy Records, commercial & ramp model at endorser ng Renew Papaya Fruity Herbal Soap. Ang event ay iho-host ni DJ JC Baron at tatampukan pa rin ng mga beauty queens tulad nina Bb. Pilipinas World Carlene Aguilar, Miss Earth Philippines Genebelle Raagas, Ms. Philippines Fire Francis Dianne Cervantes, Ian Valdez, Closet Queens, All Male Dancers, EB Babes Finalists Naughty Girls, Von Arroyo of Pinoy Dream Academy. Hanni Miller, professional models Kathy Moya, Jenny Yu, Karina Zobel, Claudine Villanueva at Eli Nacuspag.
Produksyon ito ng RDH Entertainment Network at sa direksyon ni Richard Hiñola.