Pia, binigyan ng role sa Enteng 3

Hindi ikinakaila ni Katrina Halili na magkahalong excitement at nerbiyos ang kanyang nararamdaman ngayon habang papalapit ang playdate ng kanyang launching movie sa ilalim ng Regal Films, ang Gigil na siya ring directorial debut ng writer-turned-director na si Jun Lana. Ito ring pelikula ang magsisilbing first movie ng dating PBB housemate na si Say Alonzo.

Ngayong may launching movie na si Katrina, katakut-takot namang intriga ang pilit na ibinabato sa kanya, at isa na rito ang tomboy issue.

Naiirita man, magiliw pa ring nilinaw ni Katrina sa lahat ng mga dumalong press na mas kilala niya ang kanyang sarili kesa sa ibang tao na gusto siyang siraan. Babaeng-babae umano siya at never pang tumibok ang kanyang puso sa kapwa babae.

Marami pang mga intrigang kakaharapin si Katrina laluna kapag nakalusot sa takilya ang kanyang launching movie.
* * *
Ang pelikulang Pitong Dalagita ng Canary Films ay hindi first directorial job ni Cris Pablo dahil siya rin ang nagdirek ng Duda, Bathhouse at Bilog pero aminado ang bagitong direktor na ang pelikulang Pitong Dalagita na tinatampukan nina Angelica Panganiban, Yasmien Kurdi, Nadine Samonte, Valerie Concepcion, Cristine Reyes, JayR Trinidad at Iwa Moto ang pinakamalaking pelikulang nagawa niya na magsu-showing na sa November 29.

Ang kuwento ng Pitong Dalagita ay inspired ng isang I-Witness episode kung saan sampung estudyante ang na-feature noon na naglaslas ng pulso.

"Masasabi kong this is a coming-of-age film na dark ang attack. Sigurado akong maraming kabataan ang makaka-relate sa pitong karakter na bida rito. Iba-iba sila ng problema kaya kinailangan nilang sumandal sa bawat isa para kunan ng lakas.
* * *
May special guest appearance si Pia Guanio sa Enteng Kabisote 3 na pinagbibidahan ng kanyang ‘honey’ na si Vic Sotto. Hindi si Pia ang leading-lady ni Enteng (Vic) sa pelikula kundi si Kristine Hermosa pa rin at si G Tongi naman ang muling gaganap sa papel na Ina Magenta na kanyang ginampanan sa unang version ng Enteng Kabisote.

Malayo pa ang Pasko pero marami na ang nag-aabang sa Enteng Kabisote 3 na inaasahan na namang siyang mangunguna sa takilya ng MMFF. Kaabang-abang din siyempre ang magiging participation sa movie ni Pia allthough si Vic talaga ang susi ng tagumpay ng pelikula.

Samantala, bago ang Enteng Kabisote 3, mapapanood muna si Kristine sa isang twin-bill horror flick na pinagsasamahan nila ni Anne Curtis, ang Wag Kang Lilingon na magkahiwalay na dinirek nina Jerry Sineneng at Quark Henares.
* * *
<a_amoyo@pimsi.net>

Show comments