Richard, kinompronta sina KC, JayR sa gay issue ni Raymond
October 26, 2006 | 12:00am
Karugtong ito sa naisulat naming confrontation nina Richard Gutierrez, KC Montero at JayR dahil sa gay issue ni Raymond Gutierrez. Sabi ng una, kinausap lang niya at di sinugod ang dalawa. Confrontational lang daw ang dating niya dahil medyo mainit ang ulo niya that time. Pero, pinatawad na niya sina JayR at KC nang mag-apologize.
"I appreciate their gesture. Pinuntahan nila ako sa dressing room ng SOP Gigsters para mag-sorry. Bago yun, tinawagan ko sila sa phone at doon, confrontational ako. Tapos na yun at kinalimutan ko na. Wag na lang sana nilang ulitin," wika ni Richard.
Pati si Mo Twister kung saang radio show nito naganap ang kontrobersya ay tinawagan ni Richard. Hindi raw nito kasalanan ang nangyari taga-tanong lang naman siya at ang bisita niya ang sumasagot.
Wala rin daw balak sugurin at awayin ni Annabelle Rama ang dalawat relax na relax ito nang dumating.
Ayaw ni Richard na guluhin ang isip sa kung anu-anong bagay dahil naka-focus siya sa shooting ng Mano Po 5: Gua Ai Di ng Regal. Three days na silang nagsu-shooting ni Angel Locsin at tatapusin ni Direk Joel Lamangan ang pelikula sa loob ng 13 to 15 days.
Na-weirduhan ang mga nakapanood kay Ara Mina na sa ASAP nag-launch ng kanyang "Moving On" album. Kapuso nga naman ang singer-actress pero nasa show siya ng ABS-CBN.
Ang katuwiran nitoy ang Sony BMG, producer ng album, ang nag-book sa ASAP at sumunod lang siya. Una raw kinausap ng mga taga-Sony BMG ang SOP pero, walang maibigay na slot sa kanila last Sunday eh sa Dos, meron!
"Thank you" lang ang narinig naming sagot ni Mo Twister sa pahayag ni German Moreno sa S-Files last Sunday na may inagrabyado siyang babae. Si Bunny Paras ang tinutukoy ni Kuya Germs kung saan, may anak na babae si Mo na Moira ang pangalan. Malaki na siguro ang bata na dinala ni Bunny sa Amerika.
Sabagay, mas mabuting hindi na masyadong nagsalita si Mo dahil hahaba pa ang isyu at baka kung saan-saan mapunta.
Pero, kina Lolit Solis at Cristy Fermin, ang daming nasasabi ni Mo sa kanyang radio show. Nagbigay na nga ito ng deadline na two weeks pa tatagal ang pagtira sa kanya sa print at radio nina Lolit at Cristy.
Isa sa mga award na ibibigay sa 3rd Golden Screen Awards for Movies na gagawin ngayong Huwebes, October 26 ay ang Lino Brocka Lifetime Achievement Award. Si director Mario O Hara ang tatanggap nito at sina Gina Alajar at Phillip Salvador ang presentors.
Gaganapin sa Pagcor Grand Theater Casino Filipino sa Parañaque City ang awards night to be hosted by Boy Abunda, Phoemela Baranda & Chynna Ortaleza. Produced ito ng X-Zone Entertainment at Pro-Ads Concept at sa direksyon ni Ding Bolaños. NITZ MIRALLES
"I appreciate their gesture. Pinuntahan nila ako sa dressing room ng SOP Gigsters para mag-sorry. Bago yun, tinawagan ko sila sa phone at doon, confrontational ako. Tapos na yun at kinalimutan ko na. Wag na lang sana nilang ulitin," wika ni Richard.
Pati si Mo Twister kung saang radio show nito naganap ang kontrobersya ay tinawagan ni Richard. Hindi raw nito kasalanan ang nangyari taga-tanong lang naman siya at ang bisita niya ang sumasagot.
Wala rin daw balak sugurin at awayin ni Annabelle Rama ang dalawat relax na relax ito nang dumating.
Ayaw ni Richard na guluhin ang isip sa kung anu-anong bagay dahil naka-focus siya sa shooting ng Mano Po 5: Gua Ai Di ng Regal. Three days na silang nagsu-shooting ni Angel Locsin at tatapusin ni Direk Joel Lamangan ang pelikula sa loob ng 13 to 15 days.
Ang katuwiran nitoy ang Sony BMG, producer ng album, ang nag-book sa ASAP at sumunod lang siya. Una raw kinausap ng mga taga-Sony BMG ang SOP pero, walang maibigay na slot sa kanila last Sunday eh sa Dos, meron!
Sabagay, mas mabuting hindi na masyadong nagsalita si Mo dahil hahaba pa ang isyu at baka kung saan-saan mapunta.
Pero, kina Lolit Solis at Cristy Fermin, ang daming nasasabi ni Mo sa kanyang radio show. Nagbigay na nga ito ng deadline na two weeks pa tatagal ang pagtira sa kanya sa print at radio nina Lolit at Cristy.
Gaganapin sa Pagcor Grand Theater Casino Filipino sa Parañaque City ang awards night to be hosted by Boy Abunda, Phoemela Baranda & Chynna Ortaleza. Produced ito ng X-Zone Entertainment at Pro-Ads Concept at sa direksyon ni Ding Bolaños. NITZ MIRALLES
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended