"Friends ko lang ang mga ito, kung lumalabas man kami, mga friendly dates ito and with some friends. Sa totoo lang, tatatlo pa lamang ang naging bf ko, sina Oyo Boy Sotto, Richard Gutierrez at si Paolo Araneta. Friends ko pa rin sila kahit na wala na kaming relasyong apat," amin ng magandang aktres na isa sa dalawang tampok sa nakakatakot na palabas ng Star Cinema, ang Huwag Kang Lilingon.
Dalawa ang istorya ng pelikula na nagtatampok din kay Kristine Hermosa kaya dalawa rin ang direktor, si Quark Henares sa Uyay na pinagbibidahan ni Anne. Si Jerry Sineneng ang direktor ng episode na Salamin ni Kristine.
Tungkol sa mga mahiwagang pagkamatay sa isang ospital; ang Uyay at isang salamin naman na nakakapagpakita ng mga mangyayari ang Salamin.
Going back to Anne, sinabi nito na ayaw muna niyang mag-boyfriend after Paolo.
"Masaya ako ngayon kahit nag-iisa at walang boyfriend. Pag may libre akong oras, sarili ko na lang ang iniisip ko di pares ng dati na obligado ako sa ibang tao. Happy na ako sa ganito," dagdag pa niya.
Sa presscon para sa concert ni Lara Morena na kasama uli siya, tikom naman ang bibig niya dahil open naman siya sa pagsasabi na crush niya ito. It doesnt matter kung mas may edad sa kanya ito.
Kung tutuusin, wala naman talagang time si Lance for other things bukod sa kanyang singing.
Abala siya sa promo ng kanyang "The Beautiful Side" single, na isa sa mga cuts ng kanyang album na may same title. Downloadable lahat ng content nito sa www.thebeautiful side.com. Makikita rin dito ang mga activities niya for the album. Bagong service ito na ibinibigay ng SYNERMAXX sa mga singers para mai-share nila ang music nila.