Mapanghamak mang pakinggan ang katanungan, nasagot naman ito ng maayos. Sinabi ng actor, mga artista lamang silang sumusunod sa istoryang dinidirek ni Pat Perez at sinulat ni Suzette Doctolero. Walang imposible kung tutuusin na, magka-anak ng Pinay ang hitsura ng isang tisoy na tulad ni William.
"Saka, hindi ko naman ikinahihiya ang hitsura ko bilang Pinay," sagot naman ni Rochelle. Dugong Pilipino naman daw siya, bakit niya hahanaping maging matangos ang kanyang ilong, maputi ang kanyang balat at maging pula ang kulay ng buhok. Habang hinahamak si Rochelle, napapansin naming lalo siyang tumatapang at tumatatag.
"Hindi ko kasi pinangarap na tapak-tapakan lang ng mga nanghahamak. Sumasagot din ako," pormal niyang pahayag. Nanay niya rito si Yayo Aguila at sinasabing mukhang bata pa sa kanya. Okey lang kay Rochelle, kung iyon ang observation at paningin ng mga nakakakita.
Paano naman daw siyang makakapag-ayos ng maganda at magpapasosyal sa bagong kwentong Moshi Moshi, Chikiyaki na mahirap lang ang buhay niya sa istorya na gustong kumita ng pera sa Japan? Tanggap na ni Rochelle ang mga patutsadang ipinupukol sa kanya ng marami. Nalulusutan naman niyang lahat ito dahil may kakampi siya sa Itaas. Tingnan nyo naman, sa grupo dagsa pa rin ang alok na mag-show at mga invitation sa mga out of town at personal appearances. Hindi raw sila pinapabayaan. Vir Gonzales