Ang TV host ay kabi-kabila ngayon ang kinakaharap na issue.
Wala namang dapat ikahiya kung nagtitinda man si Angelica dahil katwiran nito ay gusto niyang kumita sa negosyo.
"Ang mga bag at sapatos ko ay galing ng Hongkong at Bangkok at nakakatuwa dahil marami akong customer ngayon. Ang ibay nagtutungo pa sa aming bahay dahil ang iba kong paninda ay dun nakalagak. Mura lang ang mga ito at parang original ang mga bag at sapatos," aniya.
Tatahi-tahimik lang si Angie pero abala ito sa mga out-of-town shows sa Cebu at Davao. May pelikula ito na entry sa darating na Metro Manila Film Festival titled Enteng Kabisote 3 tampok si Vic Sotto.
Visible din ito sa mga TV guesting at marami pa ring produkto na iniindorso.
Natutuwa si Mommy Beth Jones dahil masipag ang kanyang anak at may diskarte sa buhay.
Kumusta naman ang kanyang lovelife?
Balitang may gusto sa kanya ngayon ang anak ng isang executive ng sikat at malaking network.
Ngayong Martes, October 24 at 10PM ay magiging ispesyal ang episode kung saan pagsasama-samahin ang lahat ng interview ni Ali at mga kakaibang topic na nagdulot ng ingay at isyu, gayundin ang mga episodes na nagbigay saya at kumurot sa puso ng mga manonood.
Iba talaga ang hatak ng programang Ali.
Higit sa lahat, nominado siya sa darating na Star Awards for TV sa kategoryang Best Single Performance By An Actress para sa episode na Rosaryo sa Maalaala Mo Kaya .
Kasama pa rin ito sa Zsazsa Zaturnnah na filmfest entry ng Regal Films.
Pasasalamat: Mrs. Terra Daffon, Jemma Ronquillo at staff ng ABC 5 Corporate Affairs Department.