Kristine, gustong maging close sa anak ni Diether

Ayaw magbigay ng spoiler na sina Kristine Hermosa at Anne Curtis kung magkikita sila sa ending ng twin-bill horror co-produced movie ng Star Cinema at Viva Films. Sa alanganin nilang sagot, mukhang mangyayari yun at magandang abangan kung paanong nagkrus ang landas nila. Sa November 15 na ang showing nito at Nov. 14 ang premiere night sa Cinema 10 ng SM Megamall.

Si Anne kasi ang bida sa Uyayi episode na dinirek ni Quark Henares na hospital ang location at si Kristine naman ang bida sa Salamin episode sa direksyon ni Jerry Sineneng at rural ang location.

Si Kristine na mismo ang nagsabing matagal na siyang ‘di nagpapa-interbyu kaya, naipon ang isyu sa kanya na noon lang nakunan ng sagot ng press. Going strong pa rin ang relasyon nila ni Diether Ocampo pero, ‘di raw sila live-in. Kaya lang, napansin ng press na gusto sanang tutulan ng handler nito na sagutin ng actress ang tanong. "No!" rin naman ang sagot nito kung living together sila kahit may mga pahayag ang actress na ganun ang tinutumbok.

Medyo, lumungkot ang tono ng boses ni Kristine nang mapunta sa anak ni Diether ang usapan. Hindi pa pala nito nakikita ng personal ang three-year-old son ng actor na si Dream. "Ayaw ng mom niya kaya, sa pictures at videos ko pa lang siya nakikita. Gusto ko sanang maging close sa kanya," sabi nito.

Kahit wala pang date, may plano nang pakasal sina Kristine at Diether at ‘pag nangyari yun, may chance na siyang makilala at maging close sa anak nito. Bakit hindi na lang sila mag-baby?

"Puwede kung gugustuhin namin pero, kung kailan na lang kami bigyan ng baby ni God.

"Mahirap magplano at nagkakapalpak-palpak," sabi nito.
* * *
Sa totoo lang, nahihilo na kami sa madalas na pagpapapalit ng title ng launching movie ni Katrina Halili. Ginawa itong Gigil na naging My Girl, Perfect Love, My Girls at ang latest, balik sa original title ito na Gigil.

May isyu kasi kung ginawang My Girls dahil si Alfred Vargas ang lalabas na bida at ‘di sina Katrina, Say Alonzo at Bianca King. Kaya naman ginawang My Girls dahil pa rin sa kontrata ng Regal at ABS-CBN at ‘di mabibili ang pelikula kung si Katrina lang ang ibebenta dahil ‘di siya talent ng Ch. 2 kaya, isinama sa title si Say.

Naalala naming super excited si Say nang malamang kasama siyang ilo-launch sa movie at naiyak pa raw siya nang makita ang teaser. Kaya, malaki ang pasasalamat sa Regal dahil kasama na siya sa Zsa Zsa Zaturnnah Zee Moove tapos, may launching movie pa siya.
* * *
Aksidente naming nakita si Lance Raymundo habang nasa T. Morato kami noong isang araw. Ibinalita ng kapatid ni Rannie Raymundo na guest siya sa Rated L: Guilty With Pleasure concert ni Lara Morena sa October 27 sa Metro Bar West Avenue. Kasama niya sina Regine Tolentino, Alyssa Alano, Niño Alejandro, Aliya Martel at marami pang iba. Hosts ng concert sina Alvin Anson, Pretty Trizha at Rey Pumaloy.

More than the talent fee, exposure at chance na makasama sa show si Lara na three years na palang crush ni Lance ang nagpapa-excite sa kanya. Mabilis ang binata dahil niyaya nang mag-dinner sa M Cafe sa Greenbelt ang singer-actress.

Hindi isyu kay Lance kung older sa kanya at may dalawang anak si Lara. Ang importante’y kung compatible sila at magkakasundo. Ano kaya ang masasabi rito nina Nino at Nina Raymundo, ang mababait na magulang ni Lance?

Nabanggit ni Lance na baka magpa-presscon siya one of these days para sa release ng kanyang "The Beautiful Sun" single na produced ng Brat Trax Records ni Rannie. Sa January next year daw ang release ng kanyang full album.
* * *
Nagharap at nagpaliwanagan na sina Jun Reyes at ang mother ni Joross Gamboa sa meeting na ipinatawag ng Star Magic ng ABS-CBN. Present si Mariole Alberto sa meeting at sabi’y naging emotional ang meeting na ‘yun? Matagal na kasing may isyu kina Jun at sa former talent niyang si Joross at ‘di maganda ang kanilang paghihiwalay.

Maraming na-resolve na isyu sa meeting.

Show comments