"Sa akin nagmana yun pagdating sa akting," sey ni Vic.
Sa kabilang banda, sinabi naman ni Pia Guanio na kasama ng TV actor nang gabing yun na nasindak siya sa TXT laluna sa mga eksenang biglang lilitaw si Oyo.
Mahusay naman si Direk Mike Tuviera dahil malinis ang pagkakagawa ng kanyang directorial debut.
Nakapaloob din sa aklat ang kahirapan ni Loren sa Malabon noong bata pa, pagiging commercial model noong teenager at pagiging cum laude sa UP Institute of Mass Communication at ang matagumpay na career sa larangan ng Broadcasting sa mahabang panahon kung saan umani ito ng maraming parangal.
Tatlong taong ginawa ang libro at natapos ito noong 2004 kung saan nagkaroon noon ng mga kaguluhan sa buhay-pulitika ni Loren nang tumatakbong Bise Presidente kasama ang Hari ng Pelikula na si Fernando Poe, Jr. May Bessie Bautista Foundation si Loren na alay sa kanyang ina na namatay sa breast cancer sa edad na 61 kaya naman patuloy nitong itinataguyod ang kanyang programa sa breast cancer awareness bukod pa sa tree planting at education program.
Ipinapakita na ngayon na malalaki na sina Kristal, Lorraine at Charming sa katauhan nina Lovi Poe, Nadine Samonte at Yasmien Kurdi.
Hindi naman naiinsecure si Lovi kapag sinasabing mas bagay si Nadine na maging si Kristal. Maputi kasi si Nadine at morena lang si Lovi. Pero payag naman si Lovi sa suggestion ng mga staff ng Bakekang na magpa-body scrub para pumuti siya.
Pasasalamat:
Sa lahat ng nakaalala sa aking kaarawan gaya ng ABS-CBN, GMA 7, Alma Concepcion, Amalia Fuentes, Speaker at Mrs. Joe de Venecia, Nelia Lim at mga alaga niyang sina Marri Nallos, Chris Tan at Nonoy Zuñiga, Azenith Briones, Faith Cuneta, Mommy Beth/Angelica Jones, Nicole Castillo, Cecil Tiu, William Tan, Edith Pasion, Konsehal Ariel Inton at Wilson Tieng. Sa pagbati nina Richard Reynoso, Gladys/Zeny Reyes, Arnold Clavio, Angel Locsin, Liz Alindogan at kaibigan sa panulat na sina Arthur Quinto, Ben dela Cruz, Gypsy Baldovino, Vinia Vivar at iba pa.