"Kung walang litrato ko, di ito ang New Placenta, yun lang para wala nang lituhan, at dapat gawa ng Psalmstre," pagdidiin ni Melanie na nairita na rin sapagkat pati siya ay ginagamit ng kumpanyang naglalabas ng produkto na may kaparehong pangalan.
Sa nangyayaring "digital revolution", pabata nang pabata ang mga dumarating na filmmakers (Lav Diaz, Raya Martin, Jeffrey Jetturian to name a few) at lahat ay naglalayong ilagay ang bansa bilang isang major player sa world cinema.
Sa pamamagitan ng pagpapalabas ng ilan sa mga pelikula ng tatlo at pagtatampok sa kanila at kanilang mga obra maestra, inaasahan ng Cinemanila na maalala ang kanilang mga henyo.
Sa itinakdang mga gabi nila magsasama-sama ang mga artistang nakatrabaho nila. Magkakaron din ng exhibit ng kanilang memorabilia sa lobby ng NCAA.
Tema ng cinemanila Filmfest ay Buhay Na ang Global Pinoy Cinema na nasa patnugot ni direktor Tikoy Amable Aguiluz at mapapanood sa Greenbelt Cinemas sa Makati, SM Digital Cinemas sa Megamall, North Edsa at Mall of Asia at sa NCCA Auditorium, Intramuros, Manila. Katulong sa taong ito ang National Commission for Culture & Arts, Film Development Council, OPAC sa pakikipagtulungan ng DOT, DOF, Bureau of Customs, DepEd, CHED, TESDA, DFA at DTI.
Opening film ang The Science of Sleep (part French part English), script ni Michel Gondry, direktor ng Eternal Sunshine of the Spotless Mind: Sympathy for Lady Vengeance (Korea); Climates (Turkey-France) The Wind That Shakes the Barley ( UK-Germany-Italy-Spain-France-Ireland); Everlasting Regret (Me 2 (HK-China); Its Only Talk (Japan); Vera Drake (UK-France-New Zealand); Kubrador (Philippines); Citizen Dog (Thailand); Heremias (Phlippines); The Sun (Russia).
Magsisilbing Chairman of the Jury in Digital Local Competition si G. Christian Jeune, Director of the Film Department & Deputy Artistic Delegate of the Cannes Film Festival.