^

PSN Showbiz

Tuluy-tuloy na ang laban ni Liz!

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
"I have God and Atty.Katrina Legarda to defend me." Ganyan lang ang napaka-ikling sagot ni Liz Almoro noong tanungin siya kung ano ang inaasahan niyang mangyayari sa kanyang hinihinging deklarasyong mapawalang bisa ang kasal nila ng komedyanteng si Willie Revillame.

Kagaya nga ng inaasahan, wala tayong malalaman sa mga diskusyon, dahil sa chamber lamang ginagawa ang pagdinig dahil gusto nga nilang maiwasan ang iskandalo. Ang nakakatawa pa, simula nang makipag-hiwalay si Liz sa kanyang asawa, hindi naman siya nagsasalita, at ang naririnig lamang natin ay kung ano ang sinasabi ng kanilang mga naging ninong at ninang sa kasal na lahat gustong magkasundo sila, pero sa nakikita namin matigas na pagpapahayag ni Liz na gusto niyang magtuluy-tuloy na ang kaso, mukhang malabo na nga ang reconciliation sa dalawang iyan. Sabi nga ng iba, mukhang ang gustong laban talaga ni Liz ay Laban o Bawi. Lumalaban siya ngayon para mabawi na ang kanyang kalayaan, at sa pagdating ng araw ay makapag-asawa nang maayos ulit.
* * *
Nagulat kami nang lumabas sa telebisyon si Gwen Garci, pati na ang kanyang mga kaibigan at ang driver niya, para patunayang siya ang minaltrato ni Andrew Wolff. Matagal na raw siyang sinasaktan noon, pero hindi siya nagsasalita at pinakikiusapan niya maging ang mga kaibigan niyang sinasaktan din noon, dahil natatakot siyang masira ang image ni Andrew at maapektuhan ang trabaho noon bilang isang commercial model.

Ngayon natin maiisip, hindi ba sinasabi noon ni Gwen na hindi siya naniniwalang magagawa ni Andrew ang mga ibinibintang noon ni Ethel Booba? Hindi ba nagsalita na rin noon si Booba na sinaktan siya ni Andrew noong tumanggi siyang pautangin ng malaking halaga?

Questionable na ngayon ang credibility ni Gwen dahil doon.
* * *


Siguro dahil naghahanap din ng controversy, isang female star din naman ang nag-utos sa isang kaibigan niyang igawa siya ng tsismis at ikalat.

Magsasalita nga naman siya tungkol doon, at dahil hindi naman totoo, lalabas na inaapi siya at makakakuha siya ng simpatiya ng publiko. Palalabasin niyang sinisiraan lang siya ng mga taong naiinggit sa kanya.

Kawawa naman ang mga press people na pumatol sa gimmick niya.

vuukle comment

ANDREW WOLFF

ETHEL BOOBA

GOD AND ATTY

GWEN

GWEN GARCI

KATRINA LEGARDA

LIZ

LIZ ALMORO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with