Gustuhin man ni Arnold na tapusin ang kanyang engineering course, hirap ang kanyang pamilya na bilhin ang mga kailangan niya sa iskwela lalupat nawalan ng trabaho ang kanyang ama nung 1983. Bilang panganay sa tatlong magkakapatid, napilitan si Arnold na magtrabaho. Gustuhin man niya that time na maging self-supporting student, hindi ito posible dahil walang available na night classes para sa Engineering ang UST kaya napilitan siyang mag-switch sa Faculty of Arts and Letters. Nagtapos siya ng A.B. in Journalism sa UST nung 1987.
Dahil kailangan niyang kumita para sa kanyang pamilya, tinarget ni Arnold ang media. Nung 1987, nagsimula siya sa DWIZ radio bilang newswriter at tumatanggap siya ng P600 isang buwan.
Nang maging reporter si Arnold ng Malacañang at senado, nakilala niya si Bobby Guanzon na naging kaibigan din niya. Mula sa DWIZ ay lumipat si Arnold sa DZBB. Nung 1994, nagtrabaho siya sa Brigada Siete at nakagawa siya ng award-winning news coverage sa Abu Sayyaf.
Unti-unting lumaki ang pangalan ni Arnold sa bakuran ng GMA at siya ang nagpauso sa taguring Igan (mula sa salitang kaibigan). Bukod sa radio at telebisyon, pinasok din ni Igan (Arnold) ang print media.
Mula Lunes hanggang Biyernes ay napapanood si Igan araw-araw sa Unang Hirit, mula alas 5:30 ng umaga hanggang alas-8:30 ng umaga. Meron din siyang daily commentary show sa DZBB with Ali Sotto, ang Double A sa Double at ang kanyang daily late night news kasama si Vicky Morales, ang Saksi. At pagdating ng Biyernes ng gabi pagkatapos ng Saksi ay napapanood din siya sa isang public affairs program na Emergency. Dahil sa exposure ni Igan sa tri-media, naglakas-loob siyang itatag ang Igan Foundation.
Sa tulong ng mga kasamahan ni Igan sa media, showbiz at sports, taun-taon ay nairaraos niya ang sports competitions para makalikom ng pera para sa kanyang Igan Foundation.
Kahit nagmula lamang sa isang mahirap na pamilya si Igan sa Tondo, Manila, hindi ito naging hadlang para hindi maging masaya ang kanyang kabataan at maabot ang kanyang mga pangarap.