Abalang ina

Nanay na nanay na talaga ang byuti ni Tintin Bersola. Nakatagpo namin ito sa birthday party ng anak ng katotong Obette Serrano. Karga-karga niya si Tonia, or Antonia, habang nagpupumilit itong makababa para makipaglaro sa mga bata.

"Ay naku ang kulit niya talaga. Hindi ka man lang makaupo," kwento ni Tintin. Mabuti na lang daw, mabait ang yaya nito at pasensyosa. Akala mo nga de baterya itong susunud-sunod sa bata, habang nakikipagsaya sila sa okasyon. Narun din ang dating aktres na si Azenith Briones na walang kakupas-kupas ang byuti. Nakikipagtsikahan siya kay Tintin. Tinanong nga niya kung ano ang sekreto ng happiness nito.

"Wala naman akong sekreto. Siguro lang happy ako sa family ko," say nito kay Azenith na married sa isang kilalang tao sa San Pablo City na si El Rey Reyes. Magbuhat nung mag-asawa si Azenith, hindi na siya nag-showbiz.

Kapareho ni Tintin na happy din sa marriage nito with Julius Babao.

Ayon kay Tintin, nawawala lahat ang pagod nilang mag-asawa tuwing kalaro ang pilyang anak. Noong party nga, akala mo celebrity itong kaway nang kaway sa mga bisita at nagpa-flying kiss pa pag-alis. Natalbugan nga niya halos ang celebrator. Dumalo rin sa party sina Darling Lavinia at Yul Servo. — VIR GONZALES

Show comments