"No rice, puro lang grilled at vegetables ang kinakain ko, walang mantika at saka ko sinabayan ng exercise. Hindi ako dumaan sa gamut-gamot o surgery, just diet lang talaga. Dapat disiplinado ka sa kinakain mo.
"Hindi naman overnight ang pagpapayat ko, inabot din naman ako ng 9 months. So for more than 10 years akong obese, siyam na buwan ko lang palang maibabalik ang dati kong timbang," kuwento ni Ricky.
At kung dati ay pawang dyulalay na ginagawang laughing stock ang role niya sa mga show o pelikula, dito sa Moshi, Moshi Chikiyaki ay iba na, isa na siyang hosto o lalaking entertainer sa Japan at take note, lalaking-lalaki.
"Hindi naman maitatago na talagang malaking exposure ang nawala sa Sexbomb nung wala na sila sa EB, ang nakaganda lang, kilala na sila isa-isa di tulad before na as a group.
"Hindi namin makakalimutan ang Eat Bulaga dahil malaki ang nagawa niya sa buhay ng grupo, imagine doon sila nakilala at sumikat," paliwanag ni Joy sa presscon.
At tungkol sa balitang iiwanan siya ni Rochelle after mag-expire ng kontrata sa kanya by 2007, "Na kay Rochelle yun, alam niyang hindi ko siya pipigilan. Yun nga lang, may option yung kontrata ko na pag nag-expire ang contract ng isang talent at hindi nag-renew, after a year pa bago siya makalabas sa alinmang shows, tv o movie at kumuha ng manager.
"Kaya ko naman ginawa yun, e, para na rin sa protection ko as a manager kasi ako ang naghirap para makilala ang isang talent, siyempre pag sikat na siya, aalis na at gagamitin na yung name niya, paano naman ako?
"Tulad ng Sexbomb, 1997 ko pa sila nabuo, kelan lang sila nakilala, last 2002 lang, imagine after five years bago kami pumik-ap?" esplikang mabuti ni Joy sa amin. REGGEE BONOAN