Speaking of Angelica, excited na ito sa gagawin niyang pelikula sa Star Cinema with Maricel Soriano and Aga Muhlach. Still untitled, pero sobrang thrilled siya dahil makakahalikan nito ang favorite niyang si Aga na matagal din niyang inasam na makasama sa pelikula.
Of course, hindi na pa-cute ang magiging role niya sa said project with Aga and Maricel. Hindi pa raw niya nababasa ang script, pero definite na gagawin nila ito next year.
Pero prior to Aga and Maricel movie, mas uunahin niyang gawin ang movie with John Lloyd Cruz. Mas daring daw ito. Untitled pa rin, pero shes now ready sa mas mature roles.
Twenty years old na si Angelica this coming November.
Anyway, start na ang episode nila sa Love Spell opposite Jake Cuenca na nanggaling pa sa GMA 7 para maka-partner niya. Pero hindi pala masyadong feel ni Angelica si Jake dahil hindi niya type magka-boyfriend ng Tisoy. Magka-iba rin daw sila ng personality kaya malabo ang chance na ma-develop sila kahit matagal-tagal din siyang nililigawan nito.
Nang magkaroon ng presscon ang movie almost three weeks ago, akala ng majority na nag-attend, showing na ang pelikula yun pala, iso-shoot pa lang.
Pero definite na sa bansa kukunan ang mga eksena ng movie and aside from Giselle, naghahanap pa sila ng ibang local actors para sa supporting roles sa pelikula.
Excited si Giselle dahil in a way ay marirealize na niya ang matagal na niyang dream na magkaroon ng career sa Hollywood dahil ipalalabas ito sa Amerika.
Kung sabagay, panahon na siguro para in a way naman ay matupad na ang matagal na niyang pinapangarap.
Say ni Giselle, matagal din niya itong pinangarap. At honored siya na finally ay masi-share niya ang kanyang talent sa ibang bansa dahil target nilang ipalabas ang Wages of Sin sa maraming lugar sa Amerika.