Zsazsa, sasailalim sa bladder by-pass operation

Tapos na ang shooting ng Zsa Zsa Zaturnnah Zee Moveeh kaya, tuloy na ang bladder by pass operation ni Zsazsa Padilla sa October 18. One week lang siya sa undisclosed hospital at three weeks rest naman ang hinihingi ng kanyang doctor. Habang nagpapagaling, puwede siyang mag-dubbing at kaya raw niya.

Bukod sa surgery, may plastic surgeon pa na hahawak kay Zsazsa para masigurong walang gaanong peklat ang kanyang katawan. Mahaba pa naman ang gagawing incision at mayroon sa harap ng tiyan at likod at six hours tatagal ang operasyon. Umuwi ang mommy nito para mabantayan siya habang nasa hospital at nagpapagaling.

Ang gandang tingnan ni Zsazsa sa kanyang red costume na gawa ni Maxi Cinco at nag-complement sa silver costume naman ni Pops Fernandez. Enjoy ang male populace ng Magdalena, Laguna ‘pag may shooting dahil rumarampa silang naka-costume at ang iba pang kasama sa cast.

Hindi naapektuhan ang friendship nina Zsazsa at Pops sa konting gulo sa schedule ni Pops. Nakatulong ang agad na pagtawag ng huli para mag-sorry at magpaliwanag sa nangyari.

Kay Arnold Vegafria na manager ni Pops, nagalit at umiyak si Zsazsa nang sabihing i-move ang schedule ng kanyang operation. Masakit na raw ang kanyang tiyan at kailangan na siyang operahan. Ang nangyari, hindi pala alam ng talent manager na major operation ang gagawin kay Zsazsa. Dahil magkaibigan, madaling nagkapatawaran ang dalawa’t natapos ang shooting na friends sila.
* * *
Narinig naming sinabi ni Snooky Serna na sa San Lorenzo Village, Makati sila nakatira ng husband niyang si Niño Mendoza. Akala namin nagri-rent sila pero, nalaman naming sa parents ng asawa ng aktres ang bahay. Nasa States ang mga ito at ang mga kapatid ng asawa, kaya, wala siyang pakikibagayan.

Sandali lang daw silang mag-i-stay sa bahay habang ‘di pa kaya ng kanilang finances ang mangupahan. Aminado si Snooky na kinukulang sila ng budget kaya, narinig na naman naming gusto niyang magseryoso sa trabaho. Excited na ito na may winu-work out na show para sa kanya si Jun Lalin sa QTV 11.

Sa Tavern on The Square sa Makati tumutugtog ang Jeans Band ni Niño kaya lang, hindi regular. Wala pa rin yata silang album kaya, ‘di pa masyadong kilala ang banda.

Hindi pala alam ni Snooky na may Blue Jeans Band si Jericho Rosales at nagulat pa nang banggitin namin ito.

Show comments