Vilma, balak magdirek!

Pangarap din ni Mayor Vilma Santos na makapagdirek ng pelikula. Gusto nito ang isang istorya na mangyayari sa loob ng isang araw lang. Walang palitan ng damit, ika nga.

Na-miss na rin ni Vi ang paggawa ng pelikula kung saan balitang may proyekto ito sa Star Cinema kasama sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Balak din niyang makagawa ng movie na pagsasamahan nila ng anak na si Lucky Manzano.

Sa kabilang banda, natupad na ang pangarap ng Star For All Seasons na makapagpatayo ng kanyang dream house sa Alabang. Silang mag-asawa ang nag-design ng malaking bahay. Inabot din ng isang taon ang pagpapagawa ng kanilang dream house ni Sen. Ralph Recto.
Danica, Ayaw Ng Mala-Circus Na Wedding
Sa album launch ng "Fragile Heart" ni Danica Sotto ay kinumusta namin ang kanyang nobyong si Marc Pingris.

"Tita, eight months na kaming mag-on at balak sanang magpakasal ngayong Marso. Pero urung-sulong pa rin dahil may mga plano pa kami. Sakaling matuloy ito, gusto ko ng Christian wedding na solemn at private. Ayaw ko ng magulo na parang circus.

"Maalaga at maalalahanin si Marc at ipinagluluto ko siya ng paborito niyang pagkain gaya ng carbonara at steak," sabi ni Danica.
Suportado Ng Movie Industry
Masaya ang pangulo ng Actors Guild na si Mayor George Ejercito dahil naging malaking tagumpay ang Star Olympics sa taong ito. Noong una ay inaakalang walang malalaking artistang dadalo pero suportado ito ng lahat ng taga-pelikula at telebisyon kabilang din ang mga actor-politician na sina Sen. Bong Revilla, Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Lito Lapid, Rudy Fernandez, Phillip Salvador at Vice-Mayor Anjo Yllana gayundin sina Vilma Santos at Kuya Germs Moreno.

Ang final event ay mapapanood sa October 22 sa ABS-CBN.
Blind Item: Nasira Ang Buhay Sa Aktres
Naikwento ng aking source na iba nang kausap ang dating driver ng sikat na aktres, parang wala raw ito sa katinuan ngayon.

Noong time kasi na nagdodroga ang sikat na aktres na amo ng driver ay tinatawag niya ang driver para makipag-jamming (hindi sa kanta kundi sa droga) sa kanya lalo na kung wala itong kausap. Noong una ay ayaw nito pero, komo amo niya ang aktres ay pumayag na rin ito.

Ang kaso gumaling naman ang aktres pero, napag-iwanan ang driver na umalis na sa kanyang poder at labas pasok na ito ng rehab ngayon.

Show comments