Kaya nga maraming nag-request na ulitin ang pagpapalabas ng ending ng Majika at ng premiere ng Bakekang at Atlantika dahil maraming lugar ang nawalan ng kuryente ng halos isang linggo.
Ako nga, hindi na lang kumikibo kapag sinisilip ko ang rating ng Walang Tulugan. Bakit ba ako maa-alarma sa resulta ng rating samantalang alam ko naman na marami ang nakikipagpuyatan sa aking programa. Saan man ako magpunta, sa mall, Divisoria at maging sa labas ng bansa ang isinisigaw ng mga bata, matanda, nanay o tatay ay "Walang Tulugan."
Ang inaalala lang naman ni Dolphy ay ang kalusugan ni Zsazsa na kailangan na agad maopera.
Siyempre kasama na diyan pati ang schedule ng mga doktor na mangangasiwa ng operasyon kay Zsazsa, at kung mauudlot nga naman, baka magkaproblema pa.
Buti na lang at nakarating din si Pops at natapos na nila ang pelikula.
Ang alam ko, si Kiko ay nangungupahan sa isang condo unit kasama ang isang kaibigan. Si Ian naman, minsan ay naiisipang tumawag sa akin, pero matagal-tagal na rin iyon kaya wala na rin akong balita tungkol sa kanya.
Pero ang alam ko, pareho naman silang nasa bansa.
Si Matet naman, alam naman natin na maninirahan na ito sa ibang bansa kasama ang kanyang asawa.
Si Lotlot, hindi ko alam kung ano ang inaasikaso. Pero Im sure pare-pareho pa rin silang may communication sa kanilang ina.
Bakit ba naman kasi inuunahan ito agad ng mga taong komo hindi sila ang producer ng movie ay agad na sinasabing hindi ito kikita.
Sana naman alisin na natin ang pagiging isip talangka. Gumagawa nga ng paraan para kumita ang industriya tapos sisiraan pa natin. Dapat ay tulung-tulong tayo sa patuloy na pagsulong ng ating industriya na tayong lahat ang nakikinabang.