Bukod sa inaming nanligaw sa kanya si Jake, sabi rin ni Angelica na mas boyfriend material ito kesa kay Frank Garcia na katambal din niya sa episode na sa October 22 na ang airing. Ayon sa dalaga, ang naging problema nila ni Jake, di sila nabigyan ng chance na maging friends munat sa panliligaw agad natuloy ang pagkakakilala nilang dalawa.
Magaling na aktres si Angelica lalo na sa drama pero, challenge sa kanya ang role sa LS na mayamang nagpanggap na mahirap kaya, sobrang arte siya nang manirahan sa squatters area. Napi-pressure rin siyang ma-maintain ang high rating ng Sunday show ng Ch. 2 na sinimulan ng loveteam nina Kim Chiu at Gerald Anderson.
Incidentally, hindi alam ni Angelica na kasama ang ex-boyfriend niyang si Carlo Aquino sa Humalik Ka Sa Lupa, ang bagong soap ng TAPE, Inc. Wala na raw silang communication at matagal nang di nakakapag-usap pero, pag nagkikitay nagbabatian pa rin sila.
Hindi na inisip ni Jennylyn na may vertigo siyat inisip lang na gawin ang stunt para iba ang mapanood sa kanya. Ito rin ang rason kung bakit niya tinanggap ang pelikulat pati siya ay nagsasawa na ring magdrama, mag-comedy, kumantat sumayaw. Hindi rin siya nagpapa-double hanggat kaya niya ang stunt.
Handa rin naman si Jennylyn na mag-action dahil may one month training siya sa martial arts, arnis at gymnast. Pati eksenang naka-harness siyay prinaktis para hindi siya mahirapan at dahil doon, maayos niyang nagawa ang action scenes na isa sa panghatak ng movie.
Isa sa nilinaw ni Kitchie ay ang rivalry nila ni Barbie na never daw nag-exist. Friends sila for seven years kaya, tinatawanan na lang nila ang mga intriga. Malabo rin daw na pag-awayan nila kung sino ang mas sikat at kung sino ang mas magaling na singer sa kanilang dalawa.
Sa presscon lang nito nalamang may intrigang ayaw niyang magsuot ng Levis sa isang pictorial at in-insist na Armani brand ang isuot. Wala raw nangyaring ganun, walang pictorial at hindi siya mapili sa mga isinusuot. As a matter of fact, Levis ang suot niya na ayaw ipasulat pero, wala naman yatang conflict sa Bayo.