Patrick, may pag-asa kay Jennylyn

Tinanong namin si Jennylyn Mercado kung ano ang masasabi niya kay Patrick Garcia na nanliligaw sa kanya ngayon.

"Sobrang bait po niya sa akin at napakamaalalahanin. Propesyonal din po siya at magaling umarte," aniya.

"Kung ire-rate mo siya from one to ten, saan mo siya ilalagay? Tanong uli namin.

"Number 10," sey nito.

Kaya malaki ang pag-asa ni Patrick na makamit ang pag-ibig ni Jennylyn.

Kundi inagaw ng showbiz, baka naging pulis si Angel!

Naikwento sa akin ng nakatatandang kapatid ni Angel Locsin na halos wala na itong tulog. Nagsusyuting ito ng Mano Po 5 at bukod dito, nag-aaral pa ito ng martial arts bilang paghahanda sa soap opera na pagtatambalan nila ni Robin Padilla sa Siete titled Asian Treasure.

Excited si Angel dahil type niyang matuto ng mga stunts. Isa siyang sports enthusiast at naging kampeon din sa swimming. Balak nga nitong maging policewoman at kumuha ng Criminology kaya lang inagaw ng showbiz.
Mayor Belmonte, Babawasan Ang Amusement Tax Sa Qc
Sampung taon na palang di nanonood ng sine si Mayor Sonny Belmonte ayon kay Konsehal Ariel Inton ng 4th district ng Quezon City. Pero nanood ito ng World Trade Center noong Martes dahil gusto nito ang kabayanihang ipinakita ni Nicolas Cage sa pelikula. Kasama niyang nanood si Vice Mayor Herbert Bautista kasama ng mga konsehales niya at si Congresswoman Annie Suzano.

May ipapasang ordinansa para sa reduction ng amusement taxes mula 15% to 0% para sa pelikulang Tagalog na inihain ni Majority Floorleader Ariel Inton, Jr.

Agad namang sinertipikahan ni Mayor Sonny Belmonte ang ordinansa para maaprubahan ito.

Ayon sa Film Academy of the Philippines (FAP) officials, ang dalawang dahilan ng pananamlay ng movie industry ay excessive taxation at film piracy kaya mabibilang na lang sa daliri ang nag-poprodyus ng pelikula.

Tiniyak naman ni Inton sa mga local film producers na hinihimok niya ang mga kasamahan sa 26-member council para maipasa ang batas.

Sa kabilang banda, nagpapasalamat ang FAP Chairman na si Atty. Espiridion Laxa at Director General Leo Martinez sa pagpapahalaga at pagmamalasakit ng Quezon City officials sa pamumuno ni Mayor Belmonte para magbalik-sigla ang industriya ng pelikulang Tagalog.
Ara-Polo, Nagkakalabuan Ba?
Sa press visit ng Super Noypi ay tinanong namin si Polo Ravales kung totoo ang balitang nagkakalabuan na sila ni Ara Mina.

"Naku, hindi po totoo yan. Pareho lang kasi na busy kami kaya madalang na magkita. Pero stable pa rin ang relasyon namin. Kahit nasa Amerika nun si Ara for a series of shows ay tuloy pa rin ang komunikasyon namin. Walang nabago sa aming relasyong dalawa dahil magkasundo kami at nagmamamahalan," sey ni Polo.
BLIND ITEM: Muntik Umbagin Ang Baklitang Aktor
Talaga palang pikon ang kontrobersyal na hunk na ito. Minsan kasi sa isang swimming party ay inasar ng baklitang aktor at show producer ang hunk model na ito. Hindi niya nagustuhan ang biro ng bading.

"Gusto ko talaga siyang bitbitin (Bading na actor-produ) at ihulog sa swimming pool kaya lang pinakiusapan ako ng ilang bisita dun. Kaya dapat magpasalamat siya," sey ng model at aktor.

Madalas sa ibang bansa ang produ samantalang nasabit sa kontrobersyal kamakailan ang aktor-model.

Show comments