Alam kaya ni Joseph na nagpapapansin ang gf niya kay John Wayne?

Aware kaya si Joseph Bitangcol na nagpi-flirt ang girlfriend niyang si Sandara Park kay John Wayne Sace?

Kaya namin ito naitanong ay dahil sa mga tsikang nakuha namin during the taping ng Star Magic Presents na sina Sandara at Jawe (palayaw ni John Wayne) ang partner na mapapanood ngayong hapon sa Channel 2.

Matagal na palang super crush ni Sandy KrungKrung ang dating ka-loveteam ni Maja Salvador at inasam pala niyang makasama ito sa future projects niya kaya naman nung banggitin sa kanya na ang binata ang partner niya sa episode ng SMP ngayong hapon ay nagtatalon daw ito sa tuwa.

Heto pa, pati pala sa tapings ay conscious na conscious ang dalaga kung okey ba ang itsura niya, kung maganda ba ang acting niya at kung anik-anik pa.

Kaya nung may eksenang binuhat siya ni John Wayne ay kitang-kita na nabibigatan sa kanya ang binatilyo dahil nga kilig na kilig pala ang jowa ni Joseph.

Say nga ng mga staff ng Star Magic Presents, "’Tong si Krung Krung, selos ng selos kay Joseph dahil maraming babae raw eh, siya pala itong makyundi."

Ano kayang say ni Bitangcol dito?
* * *
And speaking of John Wayne Sace, napansin pala mismo ng staff ng Love Spell na parang wala sa sarili niya ang binatilyo during the press launch ng episode nilang Home Switch Home na ipalalabas na sa Oktubre 23.

"Hindi man lang nag-ahit, he looks dirty, ang layo niya kina Jason (Abalos), Jake (Cuenca) at Frank (Garcia)?" reklamo ng staff sa isang taga-Star Magic.
* * *
Gaano katotoo na nagre-reklamo na raw ang cast ng fantaseryeng Super Inggo dahil ilang buwan na raw silang nakatengga as in walang taping.

Hindi raw makapagbigay ng eksaktong araw o date ang mga staff ng SI sa mga artista nila kung kailan ang resume ng taping dahil naghihintay din daw sila ng go signal mula sa bossing nila.

Ang katwiran kasi ng mga artista ng Inggo ay, "May mga raket din kami, may mga out of town shows, hindi namin matanggap dahil naka-reserved para sa taping daw ng Super Inggo, e, wala naman pala. Sayang naman din ang kikitain namin. E, pag walang taping, wala ring kita."
* * *
Nagpakita ng kakaibang magic niya si Erik Mana sa ilang myembro ng entertainment media sa ginanap na press launch ng video niyang ‘Mastermind’ the Magic of Erik Mana na distributed ng Viva Video.

Sinubukan ng ilang katoto ang galing ni Erik sa mind reading nu’ng sabihin ng kilalang magician kung ano ang iniisip ng ilang katoto at that time at kung ano ang sinulat nila sa isang blangkong papel.

Naloka ang mga katoto dahil paano raw nabasa ni Erik ang nasa utak nila gayung hindi naman sila nag-usap pa.

"That’s magic" ang tanging nasabi ni Erik na ikinagulat ng lahat.

At mas nakaka-tindig balahibo ang 2nd video ni Erik dahil tinawag niya itong ‘black magic, dahil nakunan ng video ang mga kaluluwang naliligaw. Naramdaman ni Erik kung saan nakapuwesto ang mga kaluluwa at doon niya ipinuwesto ang camera na nakunan ng buo.

Say ni Erik ay marami raw makikitang kakaiba na akala mo ay sa imahinasyon mo lang maiisip pero nangyari talaga sa latest video niya at kapag dvd copy ang binili ay may bonus tracks na uncut. — REGGEE BONOAN

Show comments